Ang Huling Joke

1.1K 19 0
                                    

Ang Huling Joke

"Sa LRT.

*Next station: Betty Go-Belmonte. Ang susunod na istasyon ay Betty Go-Belmonte.*

Joshua: Ayan, malayo pa naman. Magjo-joke muna 'ko.
Ako: Sige.
Joshua: May isang ngo-ngo na bumibili sa tindahan...
---
Ngo-ngo: Mamili nga mo ng smrayt.
Tindera: Sprite? Ilan?
Ngo-ngo: Isa.
*May dumaang sexy*
Ngo-ngo: Wooow. Memshi.
Tindera: Ano ba talaga, Sprite o Pepsi?
Ngo-ngo: Smrayt nga! Ang kulit!
---
Kate: Bilisan mo na yung joke! Malapit na!
Joshua: Oo eto na.
---
*May dumaan ulit na sexy*
Ngo-ngo: Wooow. Mepshi!!
Tindera (galit na galit at sinakal yung ngo-ngo): ANO BA TALAGA, Sprite o Pepsi?!?!
---
*Arriving at Betty Go-Belmonte Station. Paparating na sa Betty Go-Belmonte station.*
---
Ngo-ngo (habang nasasakal): Kok! Kok! Kok!

Bumukas ang pinto. Bumaba si Joshua ng tren habang tumatawa sa sarili niyang joke. Tawa rin kami nang tawa dahil Betty Go-Belmonte Station pa lang, sa Cubao pa dapat siya bababa. Sinubukan nyang pumasok ulit ng tren pero nasaraduhan na siya ng pinto. Kaya wala na siyang ibang nagawa kundi kumaway ng paalam sa amin at maghintay ng susunod na tren. Simula noon, nangangako na si Joshua na hindi na siya magjo-joke, ever again, sa LRT. Kok! Kok! grin emoticon"

Joker. squint emoticon
2015
Polytechnic University of the Philippines

The FEU's Secret Files 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon