"His pathetic ill-mannered girlfriend"

1.2K 27 0
                                    

"His pathetic ill-mannered girlfriend"

Hindi ko alam kung anong problema ng bago niyang girlfriend sakin para magkaroon pa ng mukha i-add ako. Nilandi niya ang boyfriend ko kahit alam niyang may girlfriend. So I have no idea kung bakit may mukha pa siyang naiharap pero siguro gustong maghanap ng malalait sa facebook ko o ano pero sige, accept. Di hamak naman na mas mukha pa akong tao kesa sa kanya kaya kahit maghanap pa siya ng throwback picture kong mas matanda pa kay melchora aquino! Aba! Kada post ko nila-like. Papansin si ate girl. Tapos panay post ng pictures nila ng ex ko magkahalikan, magkayakap with pabebeng captions and unlimited emojis. Dafuq? Pero kiber parin.

Hanggang sa isang beses si ate mo gurl nag parinig na sa status porket nag post ako ng picture ng bago kong ipad, iphone at apple watch. Sabi ba naman eh "social climber masyado. first time ata magkaroon ng apple products eeew." wow. Kung tutuusin wala siyang pake kung mag post ako, facebook ko yun eh. Atsaka gusto kong malaman ng kuya ko na nasa america na nareceive ko na ang padala niya. But well, may butthurt. Halatang inggit much. pero dahil mahaba pasensya ko sige, pinatawad ko. Di ko pinansin.

Nag post naman ako ng photos nung nag el nido kami ng mga kaibigan ko. Nagparinig nanaman "Hahaha! Ang sarap mag bakasyon sa ibang bansa. Yung iba kasi dyan hanggang el nido lang ang kayang marating". Aba! Siya na nga tong nang agaw ng boyfriend ng may boyfriend, siya na nga tong nag add, siya pa tong may kapal ng mukha na mag parinig. Bakasyon sa ibang bansa? Apple user? I don't wanna be rude here pero wala naman sa itsura niya ang pagiging elitista.

Nag status ako "Kung naiiinggit ka, pumikit ka. Kung may problema ka, imessage mo 'ko." Hinihintay kong matamaan kasi kung matatamaan siya sa post ko edi confirmed na may problema nga saken ang kabayong hipon. Aba wala pang tatlong oras nag status "Sino bang maiinggit sayo? Sa pangit mong yan? Kaya ka nga iniiwanan eh. Hahaha! Pweh."

Nag status ako, minention ko fullname niya "I rather be ugly than to be a scandalous twat. I-message mo ako. Wag kang puro parinig sa status mo. Coward? smile emoticon"

Nag message:

Siya: Anong problema mo?

(Wow! Siya pa talaga ang may ganang magtanong? Hahahahaha)

Ako: Hindi ba't ako dapat ang magtanong sayo niyan?

Siya: Masyado ka kasing feelingera.

Ako: Look who's talking? Ikaw ang nag add sakin diba? Tapos mag iinit yang pwet mong flat sa mga posts ko? Masyado kang inggit. Diba nasayo si Gian? Di kapa nakuntentong magnanakaw ka lang ng boyfriend? Kailangang maging stalker pa kita?

Siya: (insert badwords here) feeling mo maganda ka? Hahahaha! Ang sarap kasing sapakin ng mukha mo eh.

Ako: Whoah. Squatter gaming. Bukod sa pagkatao at bibig ano pang madumi sayo?

Siya: ulol! P*kpok! Sabi ni gian hindi ka naman niya minahal, pinarausan kalang. Hahaha! Eh pano ba yan magkakababy na kami. 2 months pregnant na ako. Hahahaha.

Hindi ko muna nireplyan.

(Hindi daw ako minahal ng ex ko, pero araw araw nagtetext at nagmamakaawa sakin na balikan ko siya. Hahaha)

From the day na nag break kami, ngayon ko lang siya nireplyan sa lahat ng texts niya.

"Ako: Mahal mo pa ba ako?

*wala pang 2 minutes nag reply*

Gian: Oo. Sobra. Mahal na mahal kita. Patawarin mo na ako. Hindi ko kaya ng wala ka. Please baby. 😭😭😭😭

Ako: Pano yung girlfriend mo ngayon?

Gian: Kaya kong iwanan ang babaeng yun para sayo. Kahit ngayon hihiwalayan ko yun sabihin mo lang.

Ako: Pano yung baby nyo? Buntis daw siya ah.

Gian: Wala akong pakialam. Pwede ko naman sustentuhan nalang yung bata pero ikaw ang makakasama ko. Please patawarin mo na ako baby.."

Pag open ko ng messages with the scandalous twat:

Siya: ano na? Wala ng masabi? Hahaha!
Siya: Huy reply daliii. Ang sarap sarap mong asarin k*ngina ka eh.
Siya: Hoy panget!

Ako: *me sends my convo with gian* with a message. "What did you say again? 😏"

Siya: *seen*

Ako: See? Kaya kong kunin si gian sayo anytime. Kaya kong gawing bastardo at sirain ang buhay ng anak mo! Pero hindi ko gagawin kasi hindi ako masamang tao eh. Why don't you be a nice person? It won't hurt.

Siya: *seen*

Til it became...

"You cannot reply to this conversation"

sia
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now