Imperfect physical appearance

1.2K 33 0
                                    

Imperfect physical appearance

""Meron pabang matinong lalake na mamahalin ang matabang kagaya ko?""

-tanong ko dati sa sarili ko.

Usually, dahil matataba kami, walang gustong lumigaw kaya puro happy crush nalang. Puro fantasize nalang. Puro daydream. May crush ako noon. First year palang ako crush ko na siya. Actually hearthrob talaga siya sa campus namin. Bukod sa MVP sa basketball ng school namin, eh gwapo pa siya. Hawig niya si Ruru Madrid. Tapos yung crush kong yun porket alam na crush ko siya ginagamit lang ako. Uy hindi sa ano ha? (baka nandidiri pa nga sa katawan ko yun huhuhu). Anyway, ginagamit akong taga-gawa ng assignments niya. Ako naman tong si tanga nakapa gullible. Konting pa-sweet niya lang, konting akbay nilya lang, konting sabi niya lang na "uy gumaganda ka ngayon" "uy sume-sexy ka" hala papayag na agad gumawa ng assignments niya. Tanga tanga.

I don't mean to brag about this pero for the sake of the story gagawin ko. Top 1 ako sa klase at nag eexcel ako noon sa lahat ng subject. Kaya naman halos lahat ng assignments niya ako ang pinapagawa niya. Huhuhu. Ang tanga tanga ko lang. Si mama proud na proud pa sakin kasi ang sipag ko, bakit daw napaka dami kong assignments palagi, di niya alam sa crush ko ang karamihan dun. Umasa ako na may motibo din ang pag papapansin ni crush sakin at pagpapagawa niya ng assignments hanggang isang araw nung ibibigay ko na yung assignments niya na natapos ko na, narinig ko sa may hagdan ng school namin na tinutukso siya ng mga barkada sakin at ang sabi niya "inuuto ko lang yan. bat naman ako magkakagusto dun? E ang taba taba nun. Yuck!"

NA-BROKEN HEARTED AKO! 💔

Pinagpupunit ko yung notebook niya saka ko isinampal sa mukha niya!

Three years later~~~

College na ako ngayon. Third year. Engineering dito sa Piyu. AT SEXYYYY NA. Pak! 36-24-37. Mowdeliing! Charot!

Isang araw habang naglalakad ako pa law bldg. actually pangatlong beses ko palang nakakapunta dun, di'ba nga parang others ang taga FIT sa taga Main so yun, napunta ako dun dahil may ibibigay ako sa classroom ng kaibigan ko.

Hanggang sa luh! Nakasalubong ko si emotion-user, si first crush, si puppy love sa hallway ng Law. Sa FEU din pala nag aral at taga IARFA na siya (patch) so either fine arts o architecture ang course niya. Kunwari hindi ko siya nakita pero sinigaw niya ang pangalan ko sa hallway ""Danna!?"" napalingon naman ako. Sabi niya "Hi" ngumiti lang ako at sabay sibat.

Pag uwi ko hala inadd ako sa facebook. Kapal ng mukha. Pero inaccept ko para makita niya ang "babaeng sinayang mo noon, mag laway ka ngayon!" Pak ganoin! Hahahaha! Luh nag chat agad pagka accept ko.

*Verbatim convo with the emojis used*

Him: Hiii Danna! 😍😊
Me: *seen* (pabebe muna tayo syempre)
Him: Aw seen. 😭💔

*kinabukasan ko nireplyan hahaha*

Me: Ay sorry busy kasi. Hello!
Him: Kamusta ka na? Taga FEU ka din pala? 😊

(ay hinde. taga harvard talaga ako. nakita mo na nga ako diba? tanga lang?)

Me: Oo.
Him: Nice! Sana dati ko pa nalaman para magkasama tayo. 😊

(magkasama? close tayo? feeling close para maging taga gawa mo ulit ng assignments mo? gunggong!)

Me: Hehe.
Him: Busy ka ata. Ang iikli ng reply mo. 😥

(gunggong! barilin kita sa panga eh! matapos ng ginawa mo sakin noon? aasa ka ng wala nalang yon ngayon? gunggong)

Me: Hindi naman. Ayos lang.
Him: Ano course mo sa FIT?
Me: Engineering.
Him: Wow! Ay oo magaling ka talaga sa Math noh? Kahit nung highschool pa. 😁

(edi wow!)

Me: Sakto lang naman.
Him: Hehe. Bat napadaan ka pala sa law? Dinadalaw mo boyfriend mo no?

(galawan para malaman kung may bf ako o wala. ulul. gasgas na yan!)

Me: Ay may binigay lang ako sa kaibigan ko na arki.
Him: So wala kang boyfriend? 😱❤️
Me: Wala.
Him: Yessss! 😍😊
Me: Bakit?
Him: May pag asa ako!!!! 😍

(luh luh luh!? utut mo!)

Me: Pag asa?
Him: Ligawan ka. 😉
Me: May sinabi ba ako? Atsaka bakit mo ko liligawan? Eh diba YUCK ako?

(p*%^%^* mo! gigisahin talaga kita!!)

Him: Sorry na sa nasabi ko dati. Bigyan mo naman ako ng chance ligawan ka. 😥

Me: Sorry hindi ako nagpapaligaw sa lalaking katawan ng babae ang basehan kung dapat bang irespeto o hindi. Kung dapat bang mahalin o hindi at lalong lalo na, kung dapat bang gamitin at paglaruan o hindi! You're nothing but a piece of shit! Don't bother me again!!!

BINLOCK KO! Walang kwentang user!

So mga girls, wag kayong mag se-settle o masasaktan sa lalaking minahal niyo pero HINDI YUN SAPAT dahil lang "hindi kayo maganda" sa paningin nila. Mga walang kwenta yon! Maghanap kayo ng lalaki na tatanggap sa kung ano man kayo at kung ano man ang itsura niyo. Wag niyong ipi-please ang kahit na sinong tao para lang mahalin kayo pabalik. Hindi mo deserve mag makaawa at hindi niya deserve ang katulad mo. 👍

danna
2013
FEU Institute of Technology (FIT)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now