Ay hindi pala!

983 9 0
                                    

Ay hindi pala!

"Itong kwento na to ay gusto kong I-share sainyo dahil hanggang ngayon natatawa ako sa sarili ko at hindi ko makalimutan ang mga pangyayari. Actually nung opening lang to ng class ng 2nd sem. Whole day ang class ko and till 9 p.m. One night, I was in EB 6th floor waiting for my last prof. (Mejo antok na din ako and pagod, pano ba naman from 10:30 a.m to 9 p.m yung klase ko.) Ang tagal ng prof ko and halos 30 mins. na syang wala, and ang onti pa namin so naisip kong icheck sya sa faculty. (Pinapanalangin ko na sana wala sya, para maaga naman ako makauwi) Well, Answered Prayer! Wala si prof! Edi excited nakong ibalita yun sa mga kablock ko. Naghagdan ako paakyat dahil wala ng elevator at binilisan ko talaga yung pagakyat ko. Nung nasa 3rd floor na ko sa stairs napansin ko yung girl na nagmamadali din, sabi ko sa isip ko (ay friend ko to ha, mukhang late na sya, tanungin ko kaya kung san class nya baka magkaklase kami, kaso nahihiya ako baka hndi sya.) Edi hndi ko muna pinapansin si ate. Panay kasi likod at sideview nya yung nasasight ko at very very light pa. Hahaha! Edi push padin paakyat.

Ng nasa 5th floor stairs na kami gusto ko ng pansinin si ate kasi malakas na yung kutob ko na sya tlga yun. Sinabunutan ko ung buhok nya, sabay harap sya, laking gulat ko hndi pala sya ang kaibigan ko kahawig lang nya, pero ayoko namang mapahiya, sympre ang Lola nyo best actress, sabi ko pagkaharap nya (uy girl, mukhang late kana ah) damang dama ko yung gulat sa mukha nya pero biglang ngumiti at sngot ako, gulat ako at parang kilala nya ko. Sa isip ko (sino to? Di ko kilala to, never ko naging friend to!hahaha) sabi nya (San ka? sino prof mo? Namiss kita) naloko na, haha!! Sinagot ko nalang tanung at snabi nya! At nagbeso at babye pa ang loka nung nasa 6th na kmi. Sabi nya (dito na room ko text nalang girl.) Hahahah! Epic failed. Pumasok ako sa room ko at napapangiti nalang sa mga pangyayari."

Aril
2010
IABF

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now