Huli na ang lahat

1K 18 0
                                    

Huli na ang lahat

"Ganun talaga siguro no? Kapag wala na yung tao saka lang natin narerealize kung gaano siya ka halaga sa buhay natin."

Malaki ang galit ko sa mama ko dahil noon pa man, sinisi ko siya sa pag alis ng papa ko.Grade 6 ako non tandang tanda ko pa.

Sa araw araw palagi kong sinisisi ang mama ko sa nangyare. Natuto akong mag rebelde sa kanya. Umaalis ako ng bahay ng hindi nagpapaalam. Di ako umuuwi. Wala akong pakialam kung nag aalala na siya habang ako..., nag papakasaya kasama ang mga barkada ko.

Isa lang akong anak kaya pag wala ako sa bahay, walang kasama ang mama ko. Ang dami dami kong kasalanan na nagawa sa kanya na lubos kong pinag sisisihan ngayon.

Naalala ko pa noong highschool ako. Humihingi ako ng tuition fee pero sa DOTA at marijuana ko lang ginastos. Nalaman nya yun ng isinumbong ako ng kaklase ko. Hinihintay kong pagalitan nya ako pero hindi nya ginawa. Wala syang nagawa kundi bayaran nalang ulit ang tuition fee na ginasta ko. Meron pang araw na pinatawag siya sa school dahil sa pakikipag basag ulo ko. Pinipilit akong humingi ng tawad ng teacher ko sa parent ng kaaway ko pero hindi ko ginawa. Ang mama ko ang humingi ng tawad sa kanila habang umiiyak.

Kahit kailan hindi ako pinagalitan ng mama ko. Di ako nakarinig ng pag sermon o pangaral sa kanya despite sa mga nagawa kong mali.

Kapag nireregaluhan nya ako twing bday ko hindi ko tinatanggap. Nag papaskong mag isa ang mama ko sa bahay habang ako nasa bahay ng girlfriend ko.

(tang ina naiiyak ako. di ko maiwasang hindi maiyak sa pagka guilty)

Never ko siya inisip. Never ko siyang sinabihan na mahal ko siya. Never ko rin siyang binati ng happy mother's day o happy birthday. Kahit minsan hindi ako nagkaroon ng pake sa kanya. (Ang sama kong anak noh? Sobrang sama.)

Hanggang sa nakagraduate ako ng college with latin honor. Kitang kita ko kung gaano siya ka saya at ka proud. Pinag handa nya pa ako noon pero nagalit pa ako. Pumasok sya sa kwarto ko para sabihan ako ng "Congratulations anak. Proud ako sayo" pero di ako umimik at nag patuloy sa pag DODOTA.

Gabi gabi kong naririnig ang mama ko na umiiyak sa kwarto nya. Alam kong ako ang dahilan ng mga pag iyak nya.

(Lubos kong pinagsisisihan ang lahat ng yon. Sobrang saket. Sobrang saket talaga na isipin kung gaano nya ako minahal kahit na ganon ako makitungo sa kanya. Tinrato ko siyang katulong at hindi Ina.)

August. 23, 2004
Ang saya saya ko ng makita ko sa listahan na pumasa ako sa board exam.

Pero ilang sandali, nakatanggap ako ng tawag mula sa tita ko.

Ibinalita sa akin na ang mama ko ay nasa ospital, ilang sandali nalang daw pwede na siyang mawala. Sa sobrang taranta at kaba nabitawan ko ang cellphone ko at agad kumaripas ng takbo.

Nanglumo ako sa nakita ko. Yung mama ko nag hihingalo na at nakaratay sa ospital. Meron pala syang sakit na hindi ko alam. Naluluha ako na nakikita siyang nahihirapan ng huminga.

*Lumapit ako sa kanya habang tumutulo ang luha sa mga mata ko.*

Hinawakan nya ang kamay ko. At sinabing

"Mahal na mahal kita anak. Patawarin mo ako kung ako ang naging dahilan para magkalayo kayo ng papa mo. Alam ko sobrang laki ng galit mo sakin pero sana patawarin mo ako."

*Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
Iyak ako ng iyak.*

"Ma, nakapasa ako sa board. Mahal na mahal kita. Wag mo akong iwan ma. frown emoticon patawarin mo ko mama!!"

Hanggang sa tumunog ung machine at naging flat ang linya.

Sigaw ako ng sigaw at pilit siyang ginigising.

Wala na syang malay. Iyak ako ng iyak. Niyakap ko lang siya ng halos 3 oras hanggang sa pinipigilan na ako ng mga nurse. Aalisin na raw ang mama ko. cry emoticon

Ang sakit. Sobrang sakit! Hindi ko minsan naisip na mangyayari ang araw na yun.

Sobrang laki ng pagsisisi ko. Bakit huli ko na sinabi. Bakit hindi ko ipinaramdam sa kanya nung nandyan pa siya. frown emoticon

Hanggang ngayon gabi gabi akong humihingi ng tawad sa kanya. Araw araw akong dumadalaw sa puntod nya para pag dalan sya ng pagkain. Para kausapin, para kwentuhan. Gawin ung mga bagay na hindi ko nagawa noon.

"Mama sobrang mahal kita. Ang mawala ka ang pinaka naging worst na araw sa buhay ko. Patawarin mo ko dahil naging walang kwenta akong anak. Mama ikaw ang pinaka magandang regalong natanggap ko sa buhay ko. Lahat ng natatanggap ko ngayon ay utang na loob ko sayo. I love you mama. Sorry."

Sa mahabang panahon nalaman ko din ang dahilan ng pag alis ni papa. Sinabi sakin ang lahat ng tita ko. Tatay ko daw pala ang may gustong umalis para sumama sa ibang babae.

Mas lalo akong nasaktan dahil hindi naman pala kasalanan ng mama ko. Pero siya ang sinisi ko.

Ngayon may asawa at anak na ako. Hinding hindi ako papayag na maranasan ng mga anak ko ang nga nangyari sakin. Minamahal ko sila ng sobra sobra.

Alam kong masaya na si mama sa taas. Alam kong masaya narin siya sa buhay ko ngayon. Pero hindi parin maaalis sa akin ang guilt kapag naaalala ko siya.

"Sana kayo pahalagahan nyo ung parents nyo habang kasama nyo pa sya ngayon. Wag kayong tutulad na mga nagawa ko dahil hindi natin alam kung kailang magiging huli ang lahat. Mahalin nyo sila at ipakita nyo sa kanila yun."

Salamat sa pag babasa.

Son
2002
IAS

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now