Bakit ganun huhuhu

1.3K 17 4
                                    

Bakit ganun huhuhu

"Mga kadalasang nararanasan ng mga taong di biniyayaan ng height:

•Usually kapag papasok ng elevator or lrt, sasabihin ng mga kaibigan mo sayo ""oh baka matapakan ka ha"" o ""uy paunahin niyo nga yung bata"" aray ko naman mga b3h HAHAHA

•In accordance with the first bullet, every time nasa lrt kulang nalang kalabitin mo yung tao sa harap mo para ipaalala sa kanilang may tao din sa likod nila. Huhu dahan dahan po sa pag atras!

•Kapag may event or concert sa piyu (like victory party), as usual sobrang crowded, kailangan mo pang pumunta sa mataas na lugar or kumuha ng upuan at tumuntong dun para malaman kung ano na ang mga nangyayari sa harap!

•Pag sinabi ng ""find your height"" ipagtutulakan ka pa ng bonggang bongga ng mga kaibigan mo para lang papuntahin ka sa harap at wala ka nalang magagawa kundi tanggapin yun (huhu friends ko ba talaga kayo? traydor!!)

•Pag pumupunta ka sa mga government or public establishments, napagkakamalan kang highschool. Kailangan mo pang sabihin ang edad mo at mag pakita ng id para lang maniwala sayong di ka bata

•Naranasan niyo na bang tabihan ng matangkad niyong kaibigan at gawing patungan ng kamay ang ulo niyo? Grabe beh ang sakit, bukod sa mabigat na, huhu tao ako!!! Di patungan ng kamay!! :((

•Pag sinabi mo sa mga kaibigan mo na nagda-drive ka na, di nila itatanong sayo kung may license ka na, ang unang unang tanong ay ""abot mo ba yung break saka accelerator?"" OO NAMAN HUHU

•Usually pag may fav food ka sa grocery at nakita mong nakalagay siya sa pinaka mataas na part ng shelves, wala ka nalang magagawa kundi magtawag ng matangkad or titigan mo nalang kasi di mo makuha (sakit sakit pong di mabili ang fav food mo dahil di mo abot)

•Kapag may SPG na pinag-uusapan mga kaibigan mo at nag tanong ka kung ano yun ang isasagot nila sayo ay ""bawal to sa bata!"" o ""oy takpan mo tenga mo, bata ka pa"" huhu height lang po mukhang bata pero di naman yung edad ko :(((

•Meron pang time pag nagpipicture kayong block or squad, kailangan mo pang pumunta sa harap para lang makita ka sa picture dahil ang tatangkad ng mga kasama mo (hayyy)

At marami pang iba!! May mga times pa nga na hihilingin mo talaga ng paulit-ulit na sana matangkad ka nalang para di to maranasan. Pero kahit ganun madami din naman tayong perks! Like pag bibili ng clothes, di mo na kailangan maghanap ng larger sizes kasi XS or S lang sapat na! Or minsan pa nga sa clothes ng kids section ka bibili kasi kasyang kasya sayo e (infairness magaganda ang clothes dun and cheaper HAHA). Isa pang perks, your friends will treat you as their baby sis or princess hahaha (kasi kasing tangkad mo daw mga bata nilang kapatid HAHA). Para mo silang mga ate at kuya na handang-handa na sumugod pag may umaway sayo.

Kaya kahit di tayo biniyayaan ng height, may iba pang blessings na binigay si God para satin! (though pinagpri-pray ko pa din na tumangkad hahaha)

PS. Walang masamang umasa na tatangkad ka pa wooooh tiwala lang hahahah"

bata
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now