Masama na ba talaga ako?

1K 8 0
                                    

Masama na ba talaga ako?

"Oo, aaminin ko hindi ko magawang masabi sayo na kami na ng ex-boyfriend mo. Alam mo ba kung bakit? Kasi tuwing kinakausap mo siya gamit ang cellphone ko at yung ngiti mo at yung saya ng boses mo ayaw ko mawala un! Alam mo ba nung panahon na sasabihin ko na talaga sayo biglang umurong yung dila ko kasi sabi mo "sana kami nalang ulit." and that night alam mo ba yung ginawa ko? Pinipilit ko na siya na bumalik sayo! Hindi ko magawang masabi sayo kasi araw-araw mo na din siya nagiging bukambibig! Kahit sobrang nagseselos na ako kasi kayo ang magkausap instead kami? Makita lang kita naka-ngiti at masaya kahit uunti-unting nadudurog yung puso ko sa sobrang selos okay lang, bestfriend kita eh.

Pero nung araw na nalaman mo na kami? Kung anu-anong salita ang binitawan ninyo sakin. Malandi ako? Pokpok ako? Plastik ako? Traydor ako? Unang-un sa lahat hindi ko siya nilandi kasi naging close kami dahil sayo kasi kinukulit ko siyang bumalik sayo! Hindi din ako pokpok kasi virgin pa ako! Hindi ako plastik kasi naging totoo ako sa harap ninyo! Hindi ko kayo trinaydor kahit ayaw ng mga tao sayo kasi superior ka and never akong nagsalita sa likod mo! Nag-usap tayo ng masinsinan, umiiyak ako sa harap mo at lumuhod pa ako pero iniwan mo lang ako. Sorry ako ng sorry sayo.

The next day, Depressed na depressed ako and mag-isa ako kumain ng lunch at pumasok ng school at halos lahat piangtitinginan ako. Habang nasa library ako inapproach ako ng isang classmate natin, sabi niya alam nia yung nangyari at anrinig niya daw yung record ng usapan natin at alam na daw yung ng buong block natin. Nanghina ako sa nalaman ko, ginawa mo yun at ang mahirap pa pinagrinig mo sakanila. Dinaig ko pa ang my scandal para i-bluetooth ang pag-uusap natin. Nananahimik ako the whole time dahil ayaw ko na lumabas pa ang problema. Pero punung-puno na ako! Isang pagkakamali yun pero kung husgahan ninyo ako parang sobrang sama ko ng tao.Kasalanan ko din ba na sinira mo lalo ang sarili mong pangalan dahil sa paghahanap mo ng kakampi sa mga ka-block natin? Never akong nag-kwento sa iba, unless may magtatanong kung ano ang side ko at 5 Months na ang nakakalipas, hindi mo parin ba ako napapatawad? Masaya ka na sana, kasi kayo pa ang nangunguna mam-bully sakin ngayon. Nagmahal lang naman ako eh, hindi ko alam kung bakit at paano ako nahulog sakanya. Merry Christmas sayo, sainyo ng buong barkada mo. Sana masaya na kayo. Masama na ba talaga ako?"

PS. pero salamat din sainyo kasi mas naging matatag ang loob ko na wag magpaapekto sa mga pambu-bully ninyo. Kung mapopost man ito, Salamat! Merry Christmas~

Tabi
2014
FEU Cavite

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now