Omegle No More

1.9K 6 0
                                    

Omegle No More

"Second time ko nang pag submit ng confession dito. Hindi lang napost yung una. So sana this time ma post na kasi need ko din po ng advice. At magsilbing aral na rin ang confession kong ito sa mga gumagamit ng omegle.

I was an avid user of omegle. Yes, I 'was'. Huli kong gamit nun bandang November last year (2015). Nakakatanggal stress kasi minsan. Pero ngayon, omegle na yung dahilan ng pagka stress ko. Di nako halos makatulog at makapag focus ng mabuti sa studies ko dahil dito.

Hindi ako nagbibigay ng real info or account sa mga nakakachat ko dun, laging dummy account ko yung binibigay ko. Pero nung last na gamit ko ng omegle, nagtiwala ako. Binigay ko totoo kong fb account sa isang stranger. Nag exchange numbers din kami. Tho ganun, hindi ko siya masyadong ineentertain. Text siya ng text, chat siya ng chat, at call siya ng call. Kesyo gusto niya daw ako makilala ng husto. Kahit daw friendship lang daw muna. Kasi una palang, pinangunahan ko na siya na ayaw ko na muna mag paligaw o pumasok sa isang relationship. Since galing palang akong break up nun.

Napaka consistent niya sa pangungulit. Hanggang sa siniseen ko nalang siya. Last PM is Jan 09 2016. Pang MMK pa sa haba. Sineen ko lang ulit. After that, madami nang nag aadd sakin at nag p-pm na nakuha daw nila name ko sa omegle at sinabing 'fubu' daw ako at binigay ang pangalan ko.

Alam ko masama mamintang, pero WTH. Siya lang yung posibleng gumawa sakin nun.

Ano po mga legal steps na pwedeng gawin para tumigil na siya kung mapatunayan ngang siya yun?"

elgemo
2014
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Makati

The FEU's Secret Files 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon