Lost phone

1.3K 28 3
                                    

Lost phone

That was during our PE class (arnis). May subject pa kami before PE if i'm not mistaken twas economics. After econ nag uunahan na kami ng mga blockmates ko para mag change na from uniform to PE shirt and jogging pants. Nagmamadali kami palagi kasi yung prof namin sa PE sobrang strict at ang gusto kung anong exact sched niya dapat nandun na kami sa Quad court.

Nag start na kami sa steps of arnis movements nang makapa ko ang phone ko sa pocket ko. Ayaw pa naman ni sir ng may phone during class kaya nagpasimple akong ipatong yung phone sa shed ng quadcourt kung saan nakalagay yung bags namin. Ang naaalala ko, hindi ko siya naipasok sa loob ng bag at naipatong ko lang. Then after ng PE class, may next subject nanaman algebra at super strict din ng prof kaya takbukan nanaman kami sa cr para magpalit at hindi ko namalayan na yung phone ko naiwan sa shed ng quad court.

After algebra ko nalang napansin na nawawala na yung phone ko. Alam kong hindi ko nailagay sa bag kaya tumakbo agad ako sa shed para hanapin pero wala na dun yung phone. Ipinagtanong ko pero wala daw silang nakita. Nawalan na ako ng pag asa nun. Feeling ko may kumuha ng iba. Naiyak ako sa mga friends ko habang kinukwento ko kasi kahit hindi mamahalin yun kagaya ng mga phone nila mahalaga yun sakin kasi pinag ipunan ng tatay ko yun para mabili niya. Isang buwang kita ni tatay sa pagiging jeepney driver ang sinayang ko. Iyak ako ng iyak. Tinawagan ng friend ko yung phone pero nakapatay na.

Hanggang sa after a couple of minutes bigla nalang may nag text sa kanya na kunin nalang daw yung phone sa EAC food court. Nabuhayan ako nun at tinakbo ko talaga mula NRH hanggang dun. Pag dating ko ang daming tao. Hindi ko alam kung sino ang may hawak ng phone ko. Nag tanong tanong ako sa mga kumakain pero hindi raw sila at wala daw silang alam sa nawawalang phone. Sobrang desperate ko na talagang makuha yung phone ko kaya walang hiya-hiyang sumigaw ako ng "kung sino man po ang nakapulot ng phone kanina ako po yung may ari" "kung sino man po ang nakapulot ng phone sa quadcourt ako po yung may ari" habang lahat ng kumakain nakatingin na lahat sakin.

Tapos biglang may nag taas ng kamay sa bandang dulo habang hawak hawak yung phone ko.

Nagmadali talaga akong puntahan para kunin yung phone at pasalamatan yung nakapulot dahil sa pagiging good samaritan niya. Pag lapit ko bumungad sakin yung classmate kong bully at siya pala ang nakapulot.

Inabot niya yung phone at nang kukunin ko na bigla niyang iniwas at sinabing "libre muna." (with pang asar niyang mukha)

-____-

Tinanong ko siya kung anong gusto niya, binili ko kahit medyo mahal yung inorder niya iniisip ko nalang na okay na yun kesa naman hindi na maibalik ng tuluyan yung phone ko. Pagtapos nun kinukuha ko na yung phone ayaw niya padin ibigay. After class niya nalang daw iaabot. Isinulat niya sa isang papel yung bldg at room number niya at dun ko daw siya puntahan.

Inis na inis ako kasi ayaw pang ibigay nalang pero nag timpi nalang ako. After ng class ko pinuntahan ko agad siya sa Arts bldg. at hinintay ko pang matapos yung klase at nung kukunin ko na ayaw niya parin ibigay. Mamaya daw. Naiyak na ko sa inis. Sinigawan ko siya "t*ngina naman amina kase!"

Hinila niya ang kamay ko at sinabing "ihahatid muna kita sa inyo."

Hinatid niya ako sa bahay and to make the long story short: hinatid niya ako sa bahay, pinakilala niya ang sarili niya sa parents ko as suitor ko. Gulantang na gulantang ako sa mga nangyayare. I don't really know what happened. May gayuma ata yung pinainom niyang gulaman nung pauwi kami nung araw na yun. He told me na he secretly has a crush on me na matagal niya ng itinatago at ang reason kung bakit niya ako madalas binubully at pinapahiya sa classroom cos simple, gusto niya lang magpapansin. For him it was a blessing in disguise na mapulot niya ang phone na hindi kanya habang kumakain siya sa quadcourt then nung nakita niya daw yung photo ko as wallpaper nung phone feeling niya that was an opportunity given by God para umamin sakin at para makuha ako.

Well I think so. Now we're happy together, fourth year na and graduating. Hopefully sana maka graduate on time. Hehehe. Sorry kung super haba ng confession. Thank you sa mga nag tyagang magbasa.

Mirabel
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now