Girls, mag-ingat tayo sa PUV.

2.3K 14 1
                                    

Girls, mag-ingat tayo sa PUV.

"Hi, gusto ko lang i-remind ang mga girls na sumasakay sa mga Public Utility Vehicles na mag-ingat. Let me share my experience yesterday.

Nakasakay ako ng fx from SM North Edsa papuntang FEU, itong si kuya na hindi ko na lang ime-mention ang school ay katabi ko.

Nung nasa West Ave kami, napansin kong parang sinisiko niya 'yung boobs ko. Pero since masikip, at wala sa itsura ni kuya ang pagiging manyak or magnanakaw, inisip ko na lang na wala lang 'yun. Instead, niyakap ko na lang ng maigi 'yung bag ko para na din ma-cover yung boobs ko. Maya maya naman, naramdaman ko 'yung kamay niya sa gilid ng tyan ko. Hindi lang 'yung basta hawak lang eh, kasi nangingiliti siya. Di ko alam ang gagawin ko kasi nung sinilip ko si kuya, natutulog naman siya. Pero naisip ko din, baka nagtutulog tulugan lang to para maka-chansing. Ang uncomfortable ng feeling kaya inalis ko 'yung kamay niya. Siya naman, nag-act na parang nagising tapos inayos niya 'yung kamay niya. Nung nasa Araneta naman, bumabalik na naman 'yung kamay niya sa gilid ko. Ayun na nga, unti unti niya ng ini-slid 'yung kamay niya sa pants ko (Naka-PE uniform ako) Naisip ko na hindi tama yung ginagawa ni kuya, tsaka hindi naman ako papayag na malayo layo pa ang byahe ng titiisin ko lang pagmamanyak niya sakin kaya tinanong ko siya, ""Kuya, anong ginagawa mo?"" Inayos niya ulit 'yung kamay niya tapos bumalik ulit sa tulog. Gusto kong tandaan 'yung itsura niya kaya tinititigan ko siya, napansin niya yata 'yun kaya lumingon siya sa window. Ayokong palampasin na lang 'yung ginawa niya tsaka baka umulit na naman siya kaya sabi ko sa driver na may manyak dito. Habang nasa gitna ng biyahe, pinababa niya si kuya tapos tinanong nung mga pasahero kung okay lang ako. Hindi ko masasabing okay lang ako, kasi naiinis ako, bakit kailangan mang-manyak? Ano, di makatiis? Kingina, di dahilan 'yung normal sa lalaki makaramdam ng ganyan. Kung may respeto ka talaga sa babae, di mo 'yan gagawin.

If ever na mangyari din 'to sa inyo girls, 'wag kayong matakot na magsabi. 'Wag niyo hayaan na maabuso kayo.

Sa mga lalaki naman, kung nalilibugan kayo, ikiskis niyo na lang 'yan sa pader. 'Wag na kayong mandamay ng ibang tao.

Shoutout dun kay kuya na gumawa sakin nito, di porket mukha akong bata, hahayaan na lang kita sa ginawa mo. Sana 'wag mo na 'yun ulitin sa ibang babae. Kingina, di ko makakalimutan mukha mo, kala mo!

Sa mga friends ko na napagkwentuhan ko nito, 'wag niyo na kong i-mention sa comment."

PCY
2015
Institute of Education (IE)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now