Magbalik Loob

993 15 0
                                    

Magbalik Loob

Sana mapost to. Share ko lang ang kwento ko, isa akong bakla, highschool pa lang ladlad na ako. Ewan ko ba, sa dinami rami ng gwapo sa school, sa barkada ko pang babae ako nagkacrush. 2nd yr ako nung naging classmate ko siya, magkarow kami, di ko nman tlga sya barkada nung una, until nagkatext kami. Usual lang, pero ang tanga ko, sabi niya TATADTARIN KITA. Di ko alam meaning nun that time, yun pala TADTAD NG TEXT, hanggang sa gabi gabi kami nagkatext. Lahat napagusapan namin, dumadating sa point na paguwian magtatanong sita UY MAG PALOAD KA MAMAYA HA? ako naman sige paload lang. Wala pa sa isip kong crush ko na siya,maganda, matalino at boyish siya, siya pa nga valedictorian nmin. One time cleaner ako, dun ko unang naranasan yung SLOW MOTION, akala ko di yun totoo, nagkukulitan sila nung isa nming cmate at natalisod sya, sakin siya bumagsak at napahiga sa sahig, ayun nagka eye to eye contact kami haha dun ko naapreciate ang ganda niya! heart emoticon mga 5 seconds kaming magkatitigan. Isang beses, bago yung christmas party namin, 2nd yr hs, pumasok ako sa room ng third year, nasalabas siya nung room may kausap na girl, sabi nunggirl UY DIBA CRUSH MO SI JAMES? umiling yung crush ko, sabi nung girl EH SINO?? sabi nubg crush ko AYUN OH? sabay turo sakin. Shet XD HAHAHA Gulat na gulat ako, bumilis ang tibok ng puso ko. Ang dami naming kilig moments nung 2nd yr kami, anjan yung sa computer laboratory, magkapartner kami sa isang PC ( mahirap lang school namin haha ) ayun nagpatong yung kamay namin sa mouse, tapos bigla kong tinanggal yung kamay ko, may spark kase, haha, nakuryente ako di dahil sa mouse kundi dahil sa kanya. Haha ewan ko ba kung tama na isipin kong may crush siya sakin pero base sa kilos niya parang meron chance eh. Nagpatuloy yung ganung kilig factor, kahit college na kami, 1st yr college, magkatext kami, bisperas ng bday ko, sabi namin, sasalubungin namin bday ko, eh nakatulog ako. Ginising ako ni nanay sabi niya AYAN TADTAD KA NA NG TEXT NG CLASSMATE MO. Gulat na gulat ako kase sabi niya HAPPY BIRTHDAY TOOOOOOT, I LOVE YOU! Shocks, di ako nakahinga ng ayos nun, kaya pala gulat din si nanay dahil nga naman sa text niyang yun. Oo, kinilig ako kingina HAHAHAHA di ko alam, lalo tuloy akong naguguluhan sa pagkatao ko. College na nga kami magkaibang school, magkaibang course di nawala ang communication namin, isang beses nagkachat kami, sabi ko BAKIT DI KA PA NAGKAKAJOWA? MAGBOY FRIEND KA NA KASI! at ang reply niya WALA!!!.. IKAW KASE!.. napatigil ako ng ilang minuto, sabi ko HA? BAKIT AKO? sabi niya WALA!!! at dahil don lalong lumakas ang pakiramdam ko na baka may gusto sita sakin, shet talaga!!! Di ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Ngayon 4th yr na kami, ayun haha naikukwento ko sa mga college friends ko yung tungkol samin. Sabi nila try ko daw ligawan tutal kung naging lalaki daw ako gwapo nman DAW ako. Sabi nila baka para daw talaga ako sa girl. Hay, buhay nga naman, hanggang ngayon tago tago ko pa din ang nararamdaman ko. Oo, love ko na din yata siya HAHAHA hanggang dito na lang! Kase pag nagshare pa ko malalaman na nila kung sino ako grin emoticonSA MGA NAKAKAKILALA OR NAKAHALATA, WAG NIYO KO ITAG PLEASE HAHAHA salamat sa pagbabasa smile emoticon smile emoticon smile emoticon

Observer
5365
Other
FEU NRMF

The FEU's Secret Files 3Kde žijí příběhy. Začni objevovat