Pasa

906 7 3
                                    

Pasa

"May pasa ako ngayon sa kaliwa kong pisnge. Sinapak ako ng kuya ko. Ano reason? LOL. Oo LOL as in League of Legends. Umaga nun, I was about to do my assignments sa pc namin kaso lang naglalaro sya, syempre, mabait ako, I gave him hours. Tapos na yung mga oras na binigay ko sa kanya, gabi na, almost 11pm ayaw pa ibigay sa akin yung computer, edi ako daldal ako ng daldal, na bwiset ata, na sapak ako.

Pabigat sya ngayon sa bahay, sinukuan na sya ng parents ko, graduate na dapat sya ngayon kaso lang nung first year college sya, ginagastos nya lang yung pang-tuition nya dapat sa pang pusta nya. Nung pinaputulan ni mama ng internet yung bahay, natuto syang magnakaw para lang may pang rent sya. Palamunin sya ngayon.

Walang mabuting idudulot ang mga Lol or Dota na yan or kahit ano pa yan. Nakakita na ba kayo ng asensadong tao na naglalaro ng mga ganyan? Kung ako sa inyo magisip isip na kayo kahit mild pa lang kayo maglaro. Nakaka-addict yan. Hindi kayo aasenso dyan. Madaming ways para malibang, try nyo mag basa ng novels.

May choice kayo, it's either mamatay ng mahirap at nahihirapan dahil walang ginawa sa buhay o mamatay ng mayaman at walang kahirap hirap dahil naging busy sa buhay.

If you are not living for something meaningful your life is meaningless."

Haydee
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now