Yes Father, I do.

1K 18 2
                                    

Yes Father, I do.

"Nagkakilala tayo nung first year dahil late enrollee tayo pareho at classmates tayo sa PE 1. Sa lahat ng tao na nasa SB 506 nun, hindi ko ineexpect na ikaw ang magiging pinaka-close ko. Tahimik ka, madaldal ako. Pero hindi ko maintindihan bakit lagi kang sama ng sama sa akin tuwing niyayaya kitang mag-lunch. Sa'yo din ako natutong magdasal muna bago kumain, hindi ako nasanay until nung kumain tayo sa Isetann at bigla mong sinabi, ""Pray muna tayo bago kumain."" Napakatipid mo magkwento. Ni hindi ko alam saang lupalop ka ng Pilipinas galing. Gwapo ka. Marami nga akong haters 'nun dahil ako ang laging sinasamahan mo, ang landi ko daw. Dumating 'yung time na natapos ang first sem. Tinawagan kita para itanong kung mageenroll ka na ba. Sabi mo hindi na. Nagpaalam ka sa akin sabi mo baka matagal na bago tayo magkita ulit. Naluha ako. Knowing na ikaw lang ang kaibigan ko sa FEU that time. Araw-araw kong binabalik-balikan 'yung mga places kung saan tayo nagpapalipas ng oras at lunch. Siguro kung mas nabigyan pa ng mahabang time, ikaw ang pipiliin kong maging boyfriend.

Wala akong sinagot ni isang manliligaw kasi baka bigla kang bumalik. Umasa ako sa chance at fantasies na nabuo ko habang nire-reminisce ko 'yung times na magkasama tayo. Malay mo, baka naman tayo talaga ang para sa isa't-isa. smile emoticon

9 years na ang nakalipas mula nung sem na 'yun pero wala pa rin akong balita sa'yo. Ang hirap naman hanapin ng isang taong wala kang kaalam-alam ni isang detalye ng buhay niya. Dumating din 'yung time na sinagot ko 'yung isa kong manliligaw na niligawan ako for almost 3 years bago ko sinagot, 1st boyfriend ko na sobrang bait at sobrang talino, gaya mo.

6 years kaming naging mag-boyfriend, bago kami ikinasal. Nag-propose siya at YES ang sagot ko. Then napagplanuhan naming sa probinsya nila ikasal. Pumayag ako kasi malapit sa probinsya namin, tila ba itinadhana talaga. smile emoticon

Araw ng kasal namin, nagulat ako at si Long-Lost Guy na kaytagal kong hinintay, nandun. Nasa Altar, at siya 'yung pari na magkakasal sa akin at sa mapapangasawa ko. Nanlamig yung buo kong katawan at hindi ko inexpect na after 15 years, nakita ko siya ulit at Pari na siya. Hindi ko alam ang dapat kong ma-feel. 'Yung taong kino-consider kong first love, siya din 'yung taong magkakasal sa akin..

Maluha-luha ako habang sinasabing... ""Yes Father, I do.""

At nakita kong naluha ka din. Bakit kaya? Hindi tayo nag-usap pagtapos kong ikasal last September. Kailan kaya tayo makakapag-usap, Father?"

Cherish
1998
IAS

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now