GENDER INEQUALITY

988 27 0
                                    

GENDER INEQUALITY

*Kapag kaming mga lalake yung nagrereklamo masasabihan kami ng..

"edi wag kang mag girlfriend! Dami mong reklamo eh!"

"You should accept her flaws and imperfections."

"Dapat mag tyaga kang suyuin siya, ikaw ang lalake eh."

"Kahit siya ang nagsimula ng away, dapat ikaw narin ang sumuyo. Ano bang mas importante sayo? ego o yung taong mahal mo?"

*Tangina, pero kapag babae ang sender na nagrereklamo tungkol sa bf niya..

"Ay dapat iwanan na yan kasi hindi ka niya dapat ginaganun."

"Ang insensitive, ang gago, kupal naman ng boyfriend mo. Walang kwenta."

"Iwanan mo na yan. May mas better pa jan."

The feminism is too strong. Napapansin ko sa panahon ngayon basta babae automatically, sila yung tama at palaging dapat pag-pasensyahan nalang kaya lalong umaabuso.

Parang nung last sem may nag away sa classroom namin na babae at lalake. Si girl minumura yung guy na class mayor namin dahil hindi tinanggap yung project niyang late niya sinubmit. Hindi na umiimik yung guy kasi ayaw ng patulan - hanggang sa bigla nalang lumapit yung blockmate kong girl sa class mayor namin tapos pinukpok ng libro sa ulo. E yung libro namin sa zoology sobrang kapal, kasing kapal ng encyclopedia. Lahat kami sa klase natahimik.

Kitang kita namin kung gaano kalakas yung pukpok nung libro kaya ngaray talaga yung class mayor namin. Tas bigla siyang tumayo tapos sinuntok niya sa mukha yung blockmate kong girl. Ayun basag yung labi. Dugo nang dugo tapos dinala agad siya sa clinic pero yung ulo ng class mayor namin dumu-dugo din pero wala man lang nag alok dalhin siya sa clinic. To make the long story short, yung class mayor namin ang na-suspend at hindi yung babaeng nagsimulang mag-amok. Siya yung naging criminal at yung girl ang victim dahil hindi daw tama na pinapatulan ang babae. What the fuck?

Ang point ko lang dito -- sabihin na nating mas mahina ang babae sa lalake pero sa mga instance na babae yung nampo-provoke - h'wag sanang i-expect ng society na kapag sinaksak ng isang babae ang isang lalake, eh pag papasensyahan lang nung lalake kasi lalake siya. Tangina, napaka unreasonable naman nun. Pare-pareho lang tayong tao. Kaya lumalakas ang loob ng mga babae mang-humiliate at manakit ng lalake kasi alam nilang kakampihan sila ng society which is napaka-unfair. Kung ayaw mong gawin sayo, wag mong gawin sa iba ganun lang yun.

equal
2011
IAS
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now