kilig lang ng slight

1.4K 14 0
                                    

kilig lang ng slight

Pauwi na kami nun. Pasakay na ng fx sa gate 2. Medyo nauuna ako sa kanya mag lakad kasi ang daming tao. Hanggang sa tinawag niya nalang ako.

Siya: Leah! Leah!
Me: (napatigil sa paglalakad at napatingin sa kanya)
Siya: (tinali yung PE tshirt niya sa bewang ko)
Me: Bakit?
Siya: May dugo ka sa likod.
Me: Shhiz! Naka white uniform pa ko!😱 Pano ka?
Siya: Okay lang yan.
Me: Baka malagyan ng dugo tshirt mo?
Siya: Okay lang yan.

(Me inside: Sus! Pa-strong ka ha!)

Ayun pag dating sa UV ginaw na ginaw sa aircon dahil topless siya, sa harap pa naman kaming dalawa nakaupo. Yakapin? No! No! No! Hindi ko pa siya sinasagot at kahit sagutin ko siya No! No! No sa PDA! So yakap yakap niya yung bag niya. Hahaha! 😏

PS: Manliligaw ko lang yung guy. Taga IARFA. Fine arts. Two years ng nanliligaw sakin pero aral muna ko bago landi eh. Pero pinaghihintay ko siyang maka graduate ako bago ko siya sagutin. Sabay kaming umuuwi kasi mag kapitbahay lang din kami. So yun. Share langs.

manang
2013
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now