Flashback 1.1.0

2.1K 15 0
                                    

Flashback 1.1.0

"S.P.G

""May mga lalaki pala talaga na kahit mga bata ay nagagawa nilang babuyin.""

Mayroon kaming kapitbahay na may anak na binata na nasa edad 14 o 17 y.o. (hindi ko na maalala kung alin dyan sa dalawa) Tawagin na lang natin siyang ""kuya"" dahil hindi ko na maalala ung pangalan nya. Kaibigan ni mama yung nanay ni kuya kaya malapit na din yung pamilya nila sa amin.

Isang araw, habang nanghuhuli ako ng tutubi malapit sa bahay namin. May tumawag sa akin. Paglingon ko, si kuya pala.
Non Verbatim...
Kuya: Nasaan si mama mo?
Ako: Wala po umalis e..
Kuya: E si tita BB? (yung kapitbahay namin na nagbabantay sa amin kapag umaalis si mama)
Ako: Pinapatulog po si baby (kapatid ko)
Kuya: Ahh.. Tara laro tayo. Doon tayo samin maglaro.
Ako: sige kuya! (tuwang tuwa)

Kinuha ko ang mga laruan ko sa bahay at dinala sa bahay nila. Pagdating ko sa kanila...
Ako: Ano lalaruin natin kuya?
Kuya: Mamaya na tayo maglaro, higa ka muna dito.
Ako: Bakit po?
Kuya: Basta. Pagkatapos nito tsaka tayo maglaro.
Ako: Sige po.

Humiga nga ako at tinanggal nya ang short at undies ko. Saka niya nilapit yung bibig nya sa private part ko. Nung naiinip na ako sa hindi ko maintindihang ginagawa nya...
Ako: Kuya, laro na tayo
Kuya: Mamaya na...

Maya maya pa, may naririnig akong sumisigaw ng pangalan ko. Dumating na pala si Mommy. Biglang sinuot ni kuya ung short at undies ko sa akin at sabay sabi nyang
Kuya: ""Wag mong sasabihin kay mama mo 'to ha?""
Ako: Bakit po?
Kuya: Basta!

Tumakbo na ako papunta sa mama ko para magmano at humalik...
Mama: Saan ka galing?
Ako: Kila Kuya po, maglalaro daw po kami mommy.
Mama: Ahh sige.

Bumalik ulit ako sa bahay nila kuya...
Ako: Tara na kuya, laro na tayo.
Kuya: Wag na, tinatamad na ako. Uwi mo na mga laruan mo.

At umuwi akong malungkot dahil hindi ako nakalaro. By the way, Grade One nga lang pala ako nung mangyari ito. Musmos pa, Dugyot pa, At ang kasiyahan lang ay magkaroon ng kalaro. Ilang buwan lang din ang lumipas, lumipat din kami ng bahay. Hindi ko na din sya nakikita pagkatapos ng pangyayaring yun.

Mahirap na magtiwala sa panahon noon, ano pa kaya sa panahon ngayon. Makiramdam kayo, lalo na sa mga may anak na dyan lalo na kung babae pa ang anak ninyo."

This Damsel Is Stress
2011
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon