Once a cheater, always a cheater!

948 6 0
                                    

Once a cheater, always a cheater!

"So there's this guy na bagong transferee and he caught our attention kasi pogi and matalino siya. Sa isang subject lang namin siya naging kaklase. Mostly ng mga girls/beki sa class namin eh crush siya. Naging ka close namin siya. Lagi niya tinatanong kung pwede ba siya sumama samin pag lunch. Masaya siya kasama, and very gentleman. So plus pogi points!

During enrollment for 2nd sem, he texted me kung ano daw section ko para daw makasama namin siya ulit. Then ayun nga, naging ka-block namin siya ulit pero this time 3 subjects na namin siya kasama. One time nag-iinuman kami sa DR ng friends ko tapos nabanggit ng isa kong friend na may gusto pala sakin si transferee guy. Edi ayun, nauso ang asaran pag kasama namin siya pero ako neutral lang. Pa-demure ba. HAHAHA! Then before mag end ang 2nd sem, he asked me kung pwede daw ba siya manligaw. Sabi ko masyado mabilis kilalanin muna natin isa't isa. Which is true, mabilis talaga mga pangyayari.

Then 3rd year 1st sem pasukan, naging magka-block ulit kami. He asked me again kung pwede na ba then I said yes pwede na manligaw kasi sa mga pinapakita naman niya okay naman sakin and sa lahat ng nakakakita. Tapos nameet ko na family niya and ka close ko na rin mga kapatid niya. smile emoticon Then mid 1st sem, wala kasi akong pasok every Wed and Sat. Siya meron kasi irreg siya. Then one of my friends texted me na nakita daw niya si guy sa harap ng chapel may kaholding hands na babae na taga ibang institute! So I called him. Pero hindi siya sumasagot. Then the moment I opened my fb, bumungad sakin yung picture na nakatag sa kanya galing sa babae. So my friends texted me ano daw nangyari bakit ganun. And even me, hindi ko alam bakit ganun na lang nangyayari. After that di ko siya kinakausap pero kinukulit pa din niya ako. 2nd sem na, buti hindi ko siya naging ka block. Pero sinusuyo pa din niya ako and gusto daw niya bumawi sa lahat ng nagawa niya and sh*t. Hanggang sa ako na ang nakakita na may iba na naman siyang kasamang babae naglalakad sa may recto pero this time hindi na taga FEU. Kaya dun ko na-realize na totoo nga, ONCE A CHEATER, ALWAYS A CHEATER. smile emoticon
Lesson learned! smile emoticon"

KRUNGY
2010
ITHM

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now