Status: Bangag

2.1K 38 4
                                    

Status: Bangag

"Kaninang umaga nagising ako 45 minutes na lang klase na namin tapos yung first subject pa naman yung may malaki ang problema sa mga estudyanteng nale-late. Tatlong oras lang ako natulog bruh, tatlong oras! Akala mo naman hindi nagbibigay ng research paper na pang mad skills leche lang kung malate man ako aba anak ng mag-fifishball! Highest ako sa klase niya pwede malate aba! Hahahaha.

Eh di mandirigma skills at ninja moves na lang nung naligo ako at nagbihis. Mabuti na lang talaga malapit lang yung dorm sa FEU eh di go takbo-lakad yung ginawa ko. Tapos napansin ko ang daming lumilingon saakin naalala ko nalimutan ko pala magtooth brush kaya feeling ko tinitingnan nila ako then bumalik nanaman ako sa dorm tapos nagtoothbrush pagkita ko sa salamin hindi pa pala ako nanunuklay may nakalagay pang towel sa ulo ko.

Sisihin niyo ang thesis nakaka-windang ng brain cells nakalabas ako ng may towel sa ulo!

Hahaha. Takte, hindi na ako nanuklay sa daan na lang sanay naman ako. Tapos habang naghihintay ako ng patawid nagsalamin ako sa harap nung kotseng pumarada sa harap namin may lumabas na lalaki mukang driver, so...take advantage. Sobrang tinted nung sasakyan kaya naman nagsalamin ako. Susyal, May apat na bilog ang kotse ni manong. Oh edi kahit malate ako ng five minutes di naman mukang garagal ang mukha ko. Nakapag-kilay pa ako ng very light sa harap ng sasakyan.

Kagimbal gimbal lang talaga ng feelings at nagbukas ang bintana ng sasakyan. Akala ko walang tao meron pala. Nakatapat yung phone niya tapos sabi niya.

""Ate, Hi ka bilis!""

Ako naman si tanga nag-Hi. Tapos nagtanong pa anong oras na hindi ko ba alam bakit parang wala ako sa sarili ko noon. Sabi niya lang:

""Sa susunod na makita mo ulit 'to salamin ka ulit ha? You really made me smile. Eight na. Goodmorning""

Natuod ata ako ng thirty minutes do'n kasi ang gwapo ni kuya, mukhang mabango at neat looking! Mukhang doctor! HAHAHAHA.Yun.... ang ending? Na-late ako. Leche ang landi ko. Sorry po. HAHAHAHA. Tinanong ako ni prof bakit ako late sabi ko:

""Umisparks lang ng five minutes prof!"""

Binibining Maria
2014
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manil

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now