Condo

1.2K 9 1
                                    

Condo

Hindi ako sanay ng walang katabi pag matutulog sa gabi. And yun din ang reason kung bakit wala akong sariling room. So ayun, Wednesday, until 7pm ang class ko. 7:30 ako nakakaalis ng school dahil sa nag lalaan ako ng 30mins para mejo mag pahinga after the whole day. Nakarating ako sa condo ng mga 8:15. Akala ko nandun na si Mommy kase usually talaga nauuna sya sakin makauwi every wednesday. Wala akong kasama sa condo. E pagod ako, ayoko tumambay sa ministop sa baba. (12th flr yung unit namin) Kaya nag movie marathon na lang ako mag isa. Comedy. Yung Momzilla's yung pinanuod ko. Nasa kwarto ako. Prente na ako. May chichirya sa tabi, water, kumot, madaming unan, and malakas na aircon. Naka-close yung door ko. Tawa ako ng tawa sa pinapanuod ko. Nung mejo tumahimik ako, biglang may narinig ako na scratch sa door. Scratch ng nails. At first binalewala ko kase ang saya ko talaga dun sa pinapanuod ko. Next thing that I heard was may footsteps. Dito na ako natakot and pinause ko yung movie. Kase.. Wala saming pamilya ang hindi nag chi-tsinelas sa unit. As in never. Kase nasanay na kame na laging may suot na slippers kahit sa bahay ng iba. Kaya imposibleng si Mommy yun or yung bunso kong kapatid. (Nasa Cebu si Daddy that week because of business) kaya nag lakas loob ako na lumabas. Habang may scissors sa likod ko. Nung lumabas ako ng kwarto, wala namang weird akong napansin. Except sa narinig ko na malakas na sitsit. Yung feeling na yung pag kakasitsit nya ramdam ko na parang nasa gilid ko lang near my ears. Kaya sobra-sobra na akong natakot nun. Walang balik-balik sa kwarto ko, naka-pajama lang ako pero wala akong pake. Ni-lock ko yung condo. I had no choice. Tumambay ako sa ministop sa baba habang hinihintay si Mommy. Wala padin akong idea bakit may ganun akong naririnig sa unit namin. frown emoticon

Pajama Girl
333333
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz