PARA KANG BULA

880 7 0
                                    

PARA KANG BULA

"So eto na nga yung kwento ko. May boyfriend ako noon pero hindi naman din maiiwasan magkacrush di ba? I have a crush na Archi din then naging classmate ko sya sa isang subject last year. He's cute. Napansin ko sya kasi ang ganda ng mga mata nya, yung mga ngiti nya nakakahawa, sinusulyapan ko sya 'di lang ako nagpapahalata! Nag-umpisa yun nung tinawag ako nung classmate namin and sabi papicture daw. Ayy f n f ko naman. Ayun pala yung katabi nya yung may gusto sa akin. (ba't di na lang ikaw) hahahaha! Then dedma naman ako.

Natapos na yung sem, di na kami magkaklase. Nakikita at nakakasalubong ko pa din sya tapos ayun binabati nya ako, syempre ako di nagpapahalatang kinikilig. Hahaha! Normal lang kunwari yung galaw para di naman masyadong obvious. Tapos 'pag nakalagpas na nako, para akong hihimatayin sa kilig. Kaso nalaman ko na may girlfriend sya, nakakabroken. Pero nung nakasabay ko syang kumain sa canteen natanong ko ""Yiee. Tagal nyo na ng gf mo no?"" Tapos sabi nya ""Wala na kami. PUCHA PUMALAKPAS TENGA KO. Hahaha!

Napadalas yung pagkakasalubong namin and ayun nga, kilig pa din. Hanggang isang araw may nag-dm sa akin sa twitter only to find out na SHT SI CRUSHHHHH!!!!! Syempre pabebe pa din mga reply ko hanggang kinuha nya number. Dali-dali ko namang binigay! Pagkakataon ko na to. Haha!

Naghiwalay na kami ng boyfriend. Nagkagirlfriend din pala sya kaso naghiwalay din sila. Then, one night nag good evening ako. Biglang may nagtext na number lang pero nakalagay yung name nya. Haaaaay nakakapanlambot. We started texting tapos hanggang sa ang sweet na namin yung tipong parang kami. Nagkaroon kami ng tawagan. Then nagpop out yung fb ko, may nagchat (SIYA) nagsend sya ng video habang kumakanta sya pati pictures na sonrang cute nya. Huhuhu! Kilig to the bones talaga. Ayaw ko ng matapos yung gabing yun. Then nagtext ako sa kanya kasi di nga ako makatulog ayun nagreply sya then bigla syang tumawag!!!! Haaay lalong nagising yung diwa ko! Nagkakwentuhan kami. Hanggang sa maputol na lang yung tawag na nakatulog na kami.

Kinabukasan, parang nagbago na sya, basta ibang-iba nung isang araw. Sweet pa din pero bigla na lang syang nawawala! Di ko alam kung anong nangyayari pero putcha feeling ko pa-fall lang sya pero hindi eh ibang-iba talaga nung mga oras na magkausap kami! Parang ang saya lang. At ayun na nga sabi ko di ko na sya kakausapin since parang wala lang naman sa kanya. Or feeling ko nag-assume lang ako na he feels the same way too. Ewan ko ba hinihintay ko pa din sya!!!

Pero putcha para kang bula!!! Bigla ka na lang nawala!!"

Typical Girl
2012
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Kde žijí příběhy. Začni objevovat