My open-letter to my bestfriend Ynah.

1.6K 10 0
                                    

My open-letter to my bestfriend Ynah.

Sa lahat ng lalaking pwede mong magustuhan, bakit yung lalaking gusto ko pa ynah? Marami namang nanliligaw sayo diyan kasi maganda ka, kasi almost perfect ka. Eh ako? Ni isa, walang bumalak na ligawan ako kasi hindi ako kasing ganda mo.

Siya lang ang lalaking nagustuhan ko sa buong buhay ko pero bakit ganun? Bakit gusto mo rin? Bakit balak mo pang agawin? Sa totoo lang, kinakabahan ako araw araw dahil alam kong ikaw ang gumagawa ng move para mapansin ka niya. Sino ba naman ang papansinin niya sating dalawa? Akong hamak na pangit o ikaw na crush ng bayan? Crush ng lahat ng kalalakihan? Natatakot ako na baka ikaw ang mahalin niya at hindi ako. Natatakot ako na maging sayo siya. Natatakot ako dahil malaki ang posibilidad na mangyari yun kasi maganda ka at kaya mong akitin lahat. Ynah, mahaba naman ang pila ng manliligaw mo, ipaubaya mo na siya sakin please. Sakin nalang siya please. Mahal ko na siya. 😭

mika
2014
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now