The accident

1K 14 0
                                    

The accident

I have a story. Hindi ito gawa gawa o kathang isip lang.

When I was 7 years old nasagasaan daw ako ng jeep. Sobrang kulit ko daw kasi noon at mahilig makipag laro sa labas ng bahay namin. Ang aksidenteng nangyari sakin na un ay hindi ko maalala hanggang ngayon. Nagkaroon daw ako ng Post traumatic amnesia (PTA) about sa accident kaya wala akong maalalang kahit ano. Sobrang laki daw ng injury na nangyari sa ulo ko. 50/50 nga daw ako noon sa ICU. Akala nila at ng mga doctor wala na akong pag asang mabuhay pa pero sa kabutihang palad, nakaligtas ako. Pero may marka ng tahi sa ulo ko at yun ang nagsisilbing patunay na may nangyari nga.

Naikwento sakin ngayon ng parents ko na noon daw na nagkamalay ako pagkatapos ng aksidente. Meron daw akong nasabi sa kanila na napunta raw ako sa isang lugar na maliwanag, sobrang liwanag at may nakita akong lalake na may balbas, mahaba ang buhok, nakaputi, umiilaw. Tinatawag ako, pero hindi ako sumama. Yan daw ang kwento ko sa kanila.

Kinikilabutan parin ako hanggang ngayon everytime na mapag uusapan namin yun. Hindi ito kasinungalingan. Totoo to. At oo, totoo ang diyos. Kapag naaalala ko un pakiramdam ko palagi lang siyang nasa tabi ko. Nakasunod.

Son of jesus
2011
IAS

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now