midlife crisis

948 9 1
                                    

midlife crisis

"Sa loob ng apat na taon, masasabi kong napakasaya na mag aral sa feu (manila). Maraming first time experiences at mga trademarks na kainan at computer shops gaya ng Jhonamae (tama ba spelling?), Tamz, kubo, Bro, porkchopan, RK, yung coffee frappe na tig 60 something, at ang hulog ng langit na siomai with rice sa heppa lane.

Aminin natin na mangilan ngilan satin noon ay walang pake sa future haha, basta hindi pa graduate enjoy lang at sulitin ang panahon. Peromarami din naman na talagang may plano sa future nila.

Ang post na ito ay para sa mga kasalukuyang studyante ng FEU. Gusto kong magkaroon kayo ng kahit konting ideya kung anong buhay ang pwede ninyong harapin pag dating ng araw na kelangan na ninyong lisanin ang pinakamamahal nating eskwelahan.

Pag malapit na Graduation sobrang saya tapos yung tipong hindi kayo mapaghiwalay ng mga friends mo. But after that, nakakalungkot man pero maghihiwahiwalay parin kayo at gagawa kayo ng sarisarili ninyong buhay. Ofcourse, kelangan mong magtrabaho dahil wala kanang allowance at para saan pa ang pinag aralan mo. Bilang fresh grad, napakahirap harapin ng mundo out of school, yung tipong wala kanang discount sa public transpo, hindi na valid ang student id mo at kung kelangan, lalakad ka sa kahabaan ng makati, ortigas at bgc para maghanap ng trabaho. At this moment hindi naman nako sobrang fresh grad, 2yrs nkong graduate at 2yrs narin akong trabaho ng trabaho. Pero ang hirap lang hindi ko alam kung anung mangyayari sakin sa future basta work lang ng work at pag may pwedeng ligawan try lang (so far hindi pako nagkka gf after ko grumaduate haha).

Nararanasan din toh ng iba, ang tawag daw sa stage na toh ay ""midlife crisis"" kung saan ang mga young adults or yuppies ay hindi alam kung anong gusto nya sa buhay nya, basta go with flow at minsan maiisip na mas masarap pala maging student. Sobrang hirap lang kasi parang walang direksyon ang buhay at nakakapressure pag iiisip ko na next yr 24 nko ang tanda ko na haha.

Sana kayong mga kasalukuyang nag aaral ay magkaroon ng long term goal dahil sobrang hirap ng buhay out of school pero masaya smile emoticonGoodluck sainyo at pagbutihin ang pag aaral smile emoticon "

the freedom park boy
2009
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now