A woman that I used to know

1.3K 12 1
                                    

A woman that I used to know

Iniwanan ko ang mga barkada ko kasi ayaw mo sa kanila "Bad influence" kasi sila sakin para sa'yo. Tinigilan ko ang mga bisyo ko pati hobbies ko, ultimo sport kong basketball kasi utos mo. Ayaw mo kasing may kahati ka sa oras ko. Gusto mo sayo lang lahat. Kaya naman okay lang sakin na wala na akong social life, wala ng sports o computer games, wala na lahat basta nandyan ka.

Pagkatapos ng school diretso uwi para makausap ka na sa phone. Para marinig ko na ang boses ng pinakamamahal ko at minsan para makita ka. Lahat ng time ko binigay ko sayo. Never akong tumingin sa ibang babae alam ng D'yos yun. Kahit isiping lokohin at iwanan ka hindi ko magagawa. Nirespeto kita kagaya ng pagrerespeto ko sa magulang ko.

Lahat ng away madalas kahit kasalanan mo ako ang nagpapaubaya. Sinusuyo kita. Kapag nakikipag break ka iniiyakan pa nga kita eh. Pero kahit million times mo na akong iniwan, masaya parin ako kasi binabalikan mo 'ko. Hindi ko na iniintindi noon ang pride at ego dahil ikaw ang mas mahalaga sakin kesa sa mga yun. Aanhin ko ba yun? Kaya kahit palaging ikaw ang nasusunod sa relasyon natin never kitang sinumbatan.

Sa'yo ko lang naranasan maging masaya. Sa'yo ko lang naramdaman na may nagmamahal at may nag aalala para sakin. Hindi kagaya nila mama at papa na walang ibang ginawa kundi mag away at layasan ang isa't isa. Kaya naman thankful ako kasi dumating ka at sa dinami dami ng lalaking nagka gusto sa'yo noon, ako ang napili mo. Yung pagiging clingy mo naiintindihan ko, natutuwa pa nga ako kasi nafi-feel ko kung gaano mo ako kamahal. Sa mga pagtatampo mo, lalo kang nagiging cute sa paningin ko. Kaya naman ganun nalang din ang takot ko na mawala ka sakin. Kasi ikaw nalang ang meron ako.

Pero yung takot na yun pala ang magiging dahilan kung bakit ka mawawala sakin.

Naging maluwag ako sa'yo. Lahat ng gusto mo sinusunod ko. Lahat ng paalam mo pumapayag ako. Kasi alam kong kahit saan ka naman pumunta hindi mo makakalimutang mahal kita. Na may lalaking nagmamahal sa'yo. Na nandito ako.

Pero November 18, 2015, nag text ka nalang at sinabing "Ayaw ko na. Ang boring boring mo. Maghiwalay na tayo." Akala ko isang pagtatampo lang nanaman na madadaan sa pagmamakaawa at lambing hanggang sa nakita nalang kita sa building niyo na may kasama ng iba.

Lumakad pa kayo sa harapan ko na dala niya ang bag mo, magkahawak pa kayo ng kamay at alam kong alam mo na nandun ako pero nag panggap kang walang nakita

Hindi mo alam kung gaano mo 'ko dinurog nun. Tapak na tapak ang pagkatao ko. Guiltyng-guilty ako dahil mas pinahalagahan kita kesa sa sarili ko, sarili ko na sinamahan ako pagkatapos mo 'kong hindi pahalagahan.

Bakit ganun noh? Ang dali dali nalang sa ibang tao makalimot. Ang dali para sa kanila balewalain lahat. Kahit binigay mo na lahat ng meron ka sa huli ibabasura parin nila lahat yun kasabay ng pang babasura nila sa'yo. Pero okay lang kahit masaklap. Hindi parin magiging dahilan yun para hindi magmahal ulit.

damian s. II
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now