Seamanloloko

1.7K 13 0
                                    

Seamanloloko

Third year highschool nung naging tayo. Sobrang saya natin. Halos hindi tayo nag aaway kasi sobrang compatible natin sa isa't isa. Likes and dislikes, sobrang clickx Legal tayo sa parents natin. Nakakadalaw ka samin, nakakadalaw ako sa inyo. Ano pabang po-problemahin natin diba? Kundi makatapos nalang ng pag aaral ng sabay para sa future nating dalawa.

To make the long story short; naka graduate tayo ng highschool ng sabay. Pareho tayong nag decide ng course na kukunin natin sa college. Usapan pa nga nun pareho tayong mag nu-nursing pero nag bago isip mo, marine ang kinuha mo. Sinuportahan kita. Okay lang kahit hindi tayo magkasama sa school. Inisip ko rin na, para masanay narin ako kasi soon kailangan mo rin akong iwan once na makatapak ka sa barko.

College days natin walang pinagbago. Kagaya parin nung highschool tayo. Masaya. Nag re-review tayo ng sabay sa bahay namin. Minsan dun ka natutulog pero katabi mo si papa. Masaya tayong nakakapasa sa exams. Dumating yung fourth year, medyo naging mahirap dahil sa requirements pero nalagpasan natin pareho hanggang sa naka graduate tayo. Dalawang levels na ang nalagpasan nating dalawa. Isa nalang. Yung makaipon nalang. Nasa goal na tayo.

Wala pang one month after mong grumaduate kinuha ka na para mag work sa barko. Dumating na yung kinakatakutan ko. Yung hindi na kita makikita. Hindi na makakausap ng madalas. Ang hirap para sakin mag adjust. At naging ganon ka din. Hindi tayo sanay na wala ang isa't isa. 💔

First months mo sa barko, umiiyak ka pa kapag tatawag ka sakin. Sabi mo gusto mo ng mag quit. Naho-homesick kana. Pero ini-encourage kita at sinasabing para sa future natin dalawa yun. Ilang buwan ang lumipas, unti unti tayong nasasanay.

Nakauwi kapa. Pag salubong ko palang sayo sa Port sobrang higpit ng yakap natin sa isa't isa. Sobrang sabik. Sobrang miss. Two weeks ka lang nag stay pero kailangan mo ng bumalik.

Pag balik mo, okay naman. Pero dumating yung mga araw na tatawag ka pero tulog ako. Kapag ako naman ang tatawag naka patay ang phone mo kasi bawal. Madalas, nagmamadali ka pa.

Nag babatian tayo ng monthsary sa video chat nalang. Once a month na nga lang, malabo pa. Pero tiniis ko yun. Iniisip ko nalang na para sating dalawa yun.

Tumagal tayo ng two years pa na ganun ang sistema.

Hanggang sa dumating nalang yung mga araw na nagagalit ka ng walang dahilan. Bigla nalang nakukulitan kana sakin kapag nagtatampo ako dahil hindi kana tumatawag o nag cha-chat man lang. Isang araw nag text ka nalang at sinabing break na tayo. Sabi mo naii-stress kana sakin. Sabi mo ang selfish ko at hindi ko maintindihan ang sitwasyon mo. Sabi mo bigyan muna kita ng time para sa sarili mo.

Nirespeto ko ang desisyon mo at araw araw kong sinisisi ang sarili ko. Naging selfish ako. Naging clingy. Ako ang may kasalanan kung bakit ka biglang sumuko. Binlock mo ko sa lahat. Pati sa phone mo. Pinutol mo lahat ng communication na meron tayo.

At wala pang isang buwan nabalitaan ko nalang na may iba kana. Matagal na pala kayo. Limang buwan mo na pala akong niloloko. Nakilala mo din dyan sa barko. Pinay din. I felt bad for myself. Nag tiwala lang naman ako. Yun naman dapat ang ginagawa sa relasyon diba? Pero bakit ganun?

Pero okay lang. Almost 7 years lang naman ang sinayang mo at ipinagpalit sa limang buwan. Pinarealize mo sakin na siguro importante ngang palaging magkasama ang magkarelasyon, somehow baka naprevent pa ang tukso dahil magkalayo kayo.

Anyway, thanks for the memories, Carlo.

sarah
2008
Institute of Nursing (IN)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now