You can only find the lesson at the end

1.2K 11 0
                                    

You can only find the lesson at the end

Natanggal ako sa department namin. Isang bagsak na subject nalang kick-out na ako. Walang kaalam alam ang magulang ko sa mga ginagawa ko sa school. Hindi ko kasi sinasabi. Bat ko sasabihin? Edi malalagot lang ako. Ang alam pa nila eh puro matataas ang grades ko. Ineedit ko sa MSpaint yung grades ko kada end of sem saka ko ise-send sa kanila. Kunwari screenshot from portal. Puro uno pero ang totoo, puro singko. Hindi lang grades ang dino-doctor ko. Pati narin ang tuition fee ko. Dagdag ng apat na libo kada sem. Kickback. Wala silang alam. Bigay lang sila ng bigay ng pera saken. Baon, pambayad ng condo at bills, allowance, pangkain. Gabi gabi ako sa Morato. Minsan sa BGC. Minsan sa eastwood. Depende kung saan gusto ng tropa. Kinabukasan may hang over. Hindi na makakapasok. Tulog mag hapon, gising buong gabi. Natuto rin akong mag yosi pero syempre hindi rin nila alam.

Hindi ko alam kung ano ang nagbibigay sakin ng tibay ng loob para gawin yun. Napaka walang utang na loob kong anak. Napaka patapon ng buhay ko. Hindi ko manlang inisip ang paghihirap ng mga magulang ko. Walang ibang dapat sisihin kundi sarili ko. Tromopa sa mga alam kong dadalhin ako sa masamang landas, nag bisyo, hindi pinahalagahan ang pag aaral, inuna ang kalandian. Gabi gabing may nakikilalang lalake. Minsan dala ng sobrang kalasingan may mangyayare. Gigising mag isa sa kwartong hindi ko alam kung paano ako napadpad, swerte pa kung hindi ako iniwanan ng lalake.

Ngayon, buntis ako. 4 months na. Hindi ko alam kung sinong ama. Hindi ko rin alam kung paano bubuhayin. Hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa pamilya ko. Kapag nasa bahay ako iniipit ko ang tyan ko para hindi nila mapansin na lumalaki. Natatakot ako. Humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko pero isa isa silang nawawala. Hindi na kasi ako nakakasama sa kanila kaya parang others nalang ako.

Tama talaga noh? Tama talagang matututunan mo lang ang lesson, malalaman mo lang lahat ng kairesponsablehan mo kapag nagkamali kana.

Pumapasok parin ako sa school at walang nakakaalam na buntis ako. Natatakot ako na baka kapag nalaman nila, hindi ako payagan ng school grumaduate.

Ngayon ko lang narealize ang kahalagahan ng pagaaral. Kahalagahan ng pagiging responsable. Kahalagahan ng pamilya dahil kahit anong mangyari, sila parin ang tatakbuhan mo sa huli. Pero sa ngayon, di ko pa alam kung paano sasabihin. Sana sa araw na mapost to nasabi ko na.

Sana maging aral lahat ito sa mga kabataang kagaya ko. Lalo na yung binibigay naman lahat ng magulang, sinusunod lahat ng luho, hindi hinahayaang mag hirap. Pag aaral nalang ng mabuti at diploma ang pinaka magandang kapalit ng paghihirap nila, ibigay na natin. 😭

Iresponsableng anak
2013
Institute of Accountants, Business and Finance (IABF)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Donde viven las historias. Descúbrelo ahora