Palaisipan

1.1K 8 0
                                    

Palaisipan

"Hanggang ngayon palaisipan pa rin sakin kung bakit may mga lalaking kayang tiisin ang sarili nilang dugo't laman.

Mga lalaking pag nalaman na nadisgrasya ka nila, bigla ka nalang iiwan sa ere.

Mga lalaking pagdududahan pa kung kanila nga talaga ang dinadala mo.

Malupit pa dun, sasabihin sayo na ipalaglag nalang ang bata.

Pano kaya sila nakakatulog ng mahimbing sa gabi na alam nilang may mga taong pinili nilang talikuran.

Pero sa kabila ng lahat, isa lang ang maipapangako ko sa mga anak ko. Habang nabubuhay si Mommy gagawin ko lahat para sa inyo. Hinding hindi ko kayo pababayaan. Asahan nyo kahit na sa kabilang buhay gagabayan ko pa rin kayo.

Naniniwala ako sa karma. Hindi nyo man maramdaman sa ngayon, darating ang final judgment at tatanungin ka ni Lord. Anak anung ginawa mo?

Kaya sa mga lalaking nakaranas, nakakaranas at mararanasan pa lang ang ganitong sitwasyon, pakiusap isipin nyo muna lahat bago nyo iputok. Kasi kawawa naman yung babaeng iiwan nyo. Lalo na yung anak nyo.

Hindi ko naman nilalahat. Siyempre may mga matitino pa ring lalaki tulad ng tatay at mga kuya ko. Yun nga lang kung di pa deadz, eh taken na.

Sa mga magbabasa, feel free to express your opinion.
"

single mom of two kids
graduate na po ako
Other

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now