#1 the gifted(s)✓

2.2K 56 2
                                    

Kylie's POV

Palakad lakad ako dito sa kwarto ko habang nag-iisip ng magandang plano para mapansin ako ng aking ultimate crush na si Steve Laurence Abellana!

Kanina pa kasi ako nag-iisip kung paano kasi isang linggo na nang magsimula ang klase at isang linggo narin ako nagpapapansin sa kanya pero wala parin as in wala!

Gusto ko na ngang mag give up pero hindi pwede. Pinalaki ako ng mga magulang ko ng maayos ngunit palaban.

Halos mag dadalawang taon na rin siguro simula ng magkaroon ako ng ganitong feeling sa kanya. Pero sya? Wala! Ewan! Pero sana MERON! >~< ehe~

Teka, magpapakilala muna ako sa inyo.

I'm Princess Kylie Abarro. 16 years old at 4th year high school as of now.

Yan nalang muna ang ilan sa mga maibibigay kong information sa inyo hahaha! Abangan nyo nalang yung iba sa ibang chaps.

At si Steve Laurence Abellana. Magkaklase kami at talaga namang napaka tahimik nya sa klase at napaka talino talaga! Teachers pet nga naman.

Palagi kaming nagkukumpitensya nyan. Pero ako nalang palagi ang top 2. Last year sya ang 1st honor noong nag recognition kami. Samantalang ako nakasimangot noon kasi talagang pinagmamalaki pa talaga ng mga magulang ko si Steve kesa sa akin. Parang di nila ako anak that time.

Ganoon naman talaga sila Mama at Papa. Inaasar nila ako kapag may nakakalamang sa akin at nung mga panahong yun di ko maiwasang mainis sa kanya. Pero isang araw lang yata yun nagtagal at bumalik na ako sa dating ako na nagkakaroon ng crush sa kanya.

Pareho kaming gifted ayon sa mga nahahanap kong mga info sa kanya. And yes, gifted child po ako. Masyadong matalino kahit na mag-aral na kami sa college ng ganito ang age namin malalampasan at malalampasan parin namin ang mga iyon. At wag na kayong mag taka kung kami ang maging Cum Laude someday.

Magkakilala ang mga parents namin. Si Papa ay kumpare ang Daddy nya at ganoon rin naman si Mama sa Mommy nya.

Nagkikita na kami nung mga bata pa kami pero parang hangin lang kami sa isa't isa at puro aral lang ang inatupag namin kapag nagkikita kami.

Naaalala ko nga noon habang nag ba bonding sila mama at papa kasama ang parents ni Steve kami naman itong walang pake sa kanila at nagsasagot lang ng mga kung ano anong mga problem sa mga hawak naming mga text books.

May suot pa akong nerdy glasses noon but now wala na akong suot. it's just an outfit para malaman nilang I'm a nerd-- Certified bookworm. Pero mahirap magsalamin kapag di naman talaga malabo ang mga mata mo. Kaya ang kinalabasan! Lumabo na din ang mga mata ko.

Minsan ay pumunta kami sa isang school para mag enroll. Late na kami ng pag-eenroll pero kinumbinsi talaga nila mama at papa yung principal nun. Sa huli ay sumang-ayon rin.

And to be honest. Kasabay ko mag take ng test noon si Steve at talaga namang parang kaming nag uunahan sa pagsagot ng mga answers ng isang makapal at mga high school question na mga tanong.

Magkasabay kaming natapos at pareho kaming perfect ang score.

Hindi makapaniwala ang principal kaya naman gumawa syang muli ng mga bagong questions. This time may mga nasama ng mga college questions. Kung paano ko nalaman? Meron bang Physics sa elementary? -___-

Oo, elementary palang kami nung mag test kami ni Steve.

Kaso nga lang ay namali ako ng isa noon samantalang sya ay perfect. Pasensya na nakalimutan ko lang kasing mag borrow ng one dati kaya namali ako.

But past is past.

Tinagurian kaming 'genius' sa Freedom Acadamy. (F.A. for short)

Naging famous din kaming dalawa pero ngayon ko lang napansin na gwapo pala sya. Kaso nga lang napaka seryoso ng mukha nya. Kulang nalang talaga ay magsuot kami pareho ng salamin. Siguro naging love team na kami. ~_^ kyaahh~

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now