chapter I- under the rain

194 7 2
                                    

Guys.. Singit lang ako muli.. Nawala kasi sya sa drafts kaya naman gagawin ko nalang na bago yung chapter J natin.. Nawala kasi talaga.. Baka isipin pa ng mga readers na may nangyare kela steve at kylie..

Sensya na mga readers.. Super super tagal ko ng di nakapag update.. Sorry na po (╥_╥).. Na wili kasi ako sa pagbabasa ng book ni Penguin20 eh.. Hahaha.. Yung Death Game: Battle for Lives.. Huwaw! Grabe talaga.. Nainggit tuloy ako sa kanya kasi sya nakapag publish na ng kwento nyang nakakatakot.. Ako kaya? Kelan? Hahahaha joke! Nagbabasa ako pero mukhang di ko kaya gumawa ng mga nakakatakot na storya.. Oo meron na nga akong kwentong nakakatakot na nasa drafts ko lang.. Pero di po sya yung nakakatakot na multo as in.. Intense lang po sya na para bang may puzzle lang silang binubuo na meron ding mga patayan.. Hahaha.. Thanks to you Penguin20! Dahil sayo nagkaroon pa ako ng mga ideas sa kwentong yun at binigyan mo ako ng inspirasyon.. But dont get me wrong guys.. Di ko po gagayahin yung story na sa kanya.. Syempre dapat galing yun sa sarili kong pag iisip.. Kasi nga may utak ako.. Ganun lang kasimple..

Kung ayoko na may umagaw ng story ko.. Dapat di rin ako aagaw ng iba..

Get that?

Oh well.. Back na tayo sa kwentong matagal natengga ng dahil sa Death Game na binasa ko.. Hahhhaaha.. Sorry na.. Ang sarap kasi makabasa ng storying puro patayan ang mababasa..

Nandoon yung intense ba.. At saka yun din ang nagpa intindi sa akin sa word na expect the unexpected..

Hayst! Dami kong dada eh noh? Back na nga tayo!

Sorry kung lame toh.. Babawi ako sa inyo sa 2nd under the rain moments nila hahaha..

Kylie's POV parin tayo..
++++++++++

Ito po yung time kung saan dalawang linggo palang ang nakakalipas pagkatapos ng drama club..
-------------

Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa bahay.. Makulimlim sa labas at umaambon ambon na sa labas.. Maya maya lang at lalakas na yan.. Mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas simula ng mangyare ang drama namin sa theater ng school.. At talaga namang naging sikat kami sa buong school matapos ng pag arte namin..

Grabehan lang yung pag arte namin doon.. Nasayang lang ang luha ko dahil sa dramang ako mismo ang sumulat..

Nagising nalang ako sa mundong ibabaw ng may kung sinong tumalon sa hinihigaan ko.. Grabe tumalon talaga sa mismong tyan ko eh noh?

"Aw! Aw!" Tahol nya sa akin..

Sinimangutan ko naman sya kasi tinalunan nya ako.. Ang taba nya pa naman.. Tapos ang laki na.. Hayst!

"Aw.. Aw.." Para bang nagpapaawa na sya sa akin kasi sinimangutan ko sya.. Tapos nag puppy eyes pa.. Ang cute nya!

Ngumiti nalang ako sa kanya kahit na masakit ang pagkakatalon nya sa tyan ko.. Ang taba na pala ng chowchow ko..

Hinaplos haplos ko yung balahibo nya kaya naman nagpagulong gulong sya sa kama.. Haha.. Nakikiliti nanaman ang baby ko..

"Hayst.. Ang cute cute cute naman ng baby ko.." Sabi ko sa kanya habang aliw na aliw akong haplosin ang mga balahibo nya..

"Aw! Aw!" Tahol nyang muli but this time bigla nalang itong tumalon sa kama saka tumakbo palabas..

"Chin Chin!" Sigaw ko saka ko sya hinabol.. Baka may mangyareng masama sa chin chin at umuulan na ng malakas sa labas.. Baka makalabas sya ng bahay at maulanan sya.. Naku!

Hinabol ko lang sya hanggang sa tama nga ang hinala ko.. Nakalabas sya ng bahay..

Di na ako nagatubaling kumuha ng payong kasi baka mapano sa labas si Chin Chin.. Mahal ko na kaya yang chowchow na yan kahit na minsan masakit na sa tyan yung pagtalon nya sa akin..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now