last chapter 6: RT: Steve and Prince

222 8 2
                                    

Short update..
*********

Steve's POV

Naririto ako ngayon sa park.. naka upo ako sa puno kung saan doon kami madalas nagsasabihan ng mga problema ni Kylie..

Noong mga panahon kung saan masaya pa kami.. yung wala pang hadlang..

At ngayong mag isa nalang ako.. binabalutan naman ako ng katahimikan ng paligid..

Friday ngayon at ang lahat ng mga batang naglalaro at tumatambay sa park ay nasa kani kanilang mga schools at ginaganap ang kanilang mga graduations..

Kaya ako ngayon dito? Emo na kung emo wala kayong pake!

"Im sorry Kylie.. gustuhin ko mang ipaglaban pa natin ang ating pag ibig wala na talagang ibang paraan kundi ang mag give up.. isa alang alang nalang natin sa tadhana----"

"Steve.."

"Ay p^tang ina!" Sa gulat ko tuloy napa mura ako!

Sino ba naman kasi ang nang gugulat eh nakikita naman nyang nag i emo ako rito mag isa.

"Minumura mo ko?" Taas kilay nyang tanong sa akin..

Tiningnan ko naman sya..

"Oh.. ikaw pala Prince" then binigyan ko sya ng mapang asar na mga ngiti.. "tapos na ba kayong mag plano ni Klarisse? Okey na ba kayo na ganito kami nahihirapan?" Tanong ko sa kanya..

Nginitian nya ako saka sya tumabi sa akin ng upo sa ilalim ng puno..

Akala ko sasagutin nya ang mga katanungan ko sa kanya.. nagsalita nga sya.. iba naman ang sinabi nya..

"Naaalala mo ba nung mga bata pa tayo?.." bigla nyang tanong.. saka sya tumingin sa akin tapos tumingin muli sa kawalan.. "napaka saya natin at walang iniintindi pang iba.." sabi nya pa..

"Ano ba yang mga pinagsasabi mo?" Nakasimangot kong tanong sa kanya..

Pero imbis na sagutin nya ako.. pinagpatuloy nya parin ang pagsasalita..

"Naaalala ko pa yung exact date kung paano tayo naging mag be bestfriend apat.." sabi nya.. "March 20 ang exact date kung saan nag kakilala kilala tayong apat.." nakangiti nyang sabi sa akin..

Napatingin tuloy ako sa cellphone ko.. hala! tanda nya parin yun? At pang 9 year anniversarry namin ngayon.. yung friendship na pilit na binuo namin..

Napansin nya yatang natahimik ako kaya naman nagsalita syang muli.. minabuti ko ng di magsalita..

"Steve.. pasensya ka na kung nasira iyong friendship na binuo nating apat.. 9 years ago.." sabi nya sa akin.. "nabulag ako sa pagmamahal ko para kay Kylie.. nabulag ako kasi akala ko sya yung mahal ko.. nang dahil sa m plano ko.. humantong pa kayo sa hiwalayan.." sabi pa nya..

Ano bang mga pinagsasasabi ni Prince? Yung totoo.. nasasapian ba si Prince ngayon? Ang buti naman ng kaluluwang yun?

"Real talk" sabi nya saka tumayo at inilahad ang kanyang kamay sa akin..

Inabot ko naman yun at tumayo narin ako saka pinagpagan ang sarili ko..

"Wag na wag mong sasaktan si Kylie, Steve.. kundi talagang kukunin ko na sya sayo" sabi nya sa akin..

"Ha? Di talaga kita maintindihan Prince.." sabi ko nalang sa kanya kaya natawa sya ng mahina..

"muli ko ng ipinagkakatiwala sayo si Kylie.. please pare wag mo syang papaiyakin huh? Wag mo syang sasaktan.. kung ayaw mong makatikim ng suntok sa amin ni Klarisse" sabi nya sa akin..

Literal na nagsilakihan ang mga mata ko..

"Real talk din ako pre.." sabi ko sa kanya.. tumango lang sya sa akin.. "naka singhot ka ba ng shabu? o sadyang sinapian ka ba ng mabuting espirito?" Sabi ko..

Agad nya naman akong binatukan kaya napahimas ako sa batok ko..

"Grabe sya oh! Hindi noh!" Sigaw nya.. "talagang nakita ko lang yung the one ko.."

"Abay! Kung kelan kami nagkahiwalay doon mo nahanap yung the one mo? Minsan ang gulo mo rin eh noh?" Sabi ko sa kanya..

Inakbayan nya naman ako..

"Pasensya ka na talaga bro.." seryoso nyang sabi sa akin..

Inakbayan ko naman sya pabalik..

"At least ayos na ang lahat.." sabi ko.. "pero di parin mababagong engage ka na sa kanya" malungkot kong sabi sa kanya..

Binatukan akong muli.. aba namumuro na sya sa akin ah! Ang sakit nya kayang mambatok..

"Isa pa Prince magkakaaway tayong muli" sabi ko.. natawa lang sya sa akin..

"Di ka parin nagbabago.. pikunin ka parin.." sabi nya..

Di nalang ako umimik at hinimas ko nalang uli ang batok kon.

Nanahimik kami hanggang sa magsalita sya..

"Gusto mo ng pasabog mamaya?" Nakangisi nyang sabi sa akin..

Napakunot naman ang noo ko.. pasabog? Anong klase? Bomba?

Binatukan ba naman ako muli..

Ngayon bumatok rin ako sa kanya pabalik..

"Ang sakit naman ng batok mo!" Reklamo nya..

"Eh ikaw nga itong naka tatlong batok na sa akin eh!" Reklamo ko rin pabalik..

"Kasi naman! Nabobobo ka na Steve! hindi pasabog na bomba yun kundi pasabog as in Surprise! T*ng* kamo nito!" Abat minura pa ako huh?

Natahimik naman ako..

"Ano naman yang pasabog na yan?" Tanong ko..

"I have a plan.."

~♡~

Words checked.. 793 words..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now