#30 shes back

378 20 0
                                    

Continuation..

Hayst! Salamat naman at naging maayos narin ang pakiramdam ko magmula ngayon..

Kanina pa ako nagpapahangin dito sa taas ng rooftop.. mag isa ko lang at dinaan sa pagsuntok sa pader ang inis na nararamdaman ko ngayon para kay Danica..

Halos magdugo na nga eh.. huhuhu.. but.. its okey naman eh.. im okey.. not until yung nangyare kanina.. nakakainis lang eh..

Pero sumabog ako sa sobrang inis at galit ko kay Danica..

Di na ako pumasok pa sa mga susunod kong mga subjects..

Nawalan ako ng gana ngayon.. kaya naman napagpasyahan ko nalang na dumito na muna sa rooftop..

Ngayon iniisip ko nalang kung nasaan na kaya si Steve?

Steve's POV

Nandito ako ngayon sa park kung saan pinagkikitaan namin dati ni Kylie kapag may mga problema kami?

Agad akong pumwesto sa puno kung saan doon kami nauupo..

Umupo ako doon saka ako nag muni muni..

Maya maya bumuhos at pumatak ang mga luha ko..

Hanggang ngayon talaga ay masakit parin sa damdamin ko lahat ng mga nangyare..

Sana maging maayos na ang lahat.. bakit ko ba kasi di ko muna sya pinag explain.. malay mo si Jasper talaga ang unang humalik sa kanya..

Tama.. kung mag usap kaya kami ngayon?

Di ko kayang mawala si Angel.. mahal ko sya.. mahal na mahal.. higit pa sa mahal na mahal.. hanggang kamatayan sya lang..

Noon pa man pinaglaban ko na ang pag ibig ko para kay Angel.. mahigit tatlong buwan ko rin syang nilugawan at masasabi mo talagang disperado ako s kanya..

Oo.. talagang tinamaan ako ni kupido.. at alam kong mahal nya rin ako..

At ngayon ang aming 2nd monthsary.. at sana talaga maging okey na kaming dalawa..

Tinawagan ko sya..

Angel of my life.. dialling..

Sinagot nya naman..

(Babe?)

"Pwede ba tayong mag usap?" Sambit ko..

***********

Nandito na ako ngayon sa resto kung saan napag isapan naming dito kami magkikita ni Angel..

Umupo na ako sa isa sa mga tables at inantay sya..

Halos di ako mapakali sa kinauupuan ko kung ano ang mga pwede naming pag usapang dalawa.. sana maging kami uli..

Umorder ako ng isang choco shake kasi mukhang matatagalan pa yata si Angel..

Pasulyap sulyap ako sa pinto at sa relos kong nakakabit sa wrisk ko..

"Nasaan na ba sya?" Tanong ko sa sarili ko habang hinihintay sya..

Halos tatlo't kalahating oras narin kasi akong naghihintay rito.. at isa't kalahating oras nalang ay mag sasara na sila..

Di na kaya sya pupunta? Bakut di man lang sya nag text?

Dumaan pa ang ilang oras at lumapit na sa akin ang isang waiter..

"Ah.. Sir.. magsasara na po kami.. kung maaari po ba sana ay umalis na po kayo?" Magalang na sambit nung waiter..

Inis man ako kasi ang tagal kong nag antay ay umalis na rin ako doon..

Sinilip ko ang cellphone ko pero wala syang anumang text messeges sa akin..

Pinaglololoko mo ba ako Angel?

Naglakad nalang ako pabalik.. pauwi sa bahay.. malapit lang kasi ang subdivision namin dito..

Puntahan ko nalang kaya sya sa bahay nila?

Oo nga tama.. puntahan ko nalang.. baka di sya pinayagan nila tito lumabas ng bahay..

Naglakad na ako papunta sa bahay nila..

Ilang saglit pa at nakita ko na ang bahay nila..

Tumapat na ako sa gate at nag iisip kung mag do doorbell ba ako o di nalang ako tutuloy at ipagpapabukas ko nalang ito..

Hayst! Ang hirap naman!

Magdo doorbell na sana ako ng may marining akong boses..

"Bakit ka nandito?" Tanong nya sa akin.. napatingin naman ako sa taas.. nandoon sya at nakadungaw tapos may dalang baso ng juice..

"Ahm.. Best.. nandyan ba si Angel?" Tanong ko sa kanya..

Napatigil naman sya.. pero saglit lang yun at tumingin sya uli sa akin..

Tumango lang sya saka sya umalis.. mukhang papapasukin nya na ako..

Wala sila mom and dad so I guess wala rin sila tito at tita dito..

Mukhang nasa Singapore na sila ngayon..

Di nga ako nagkamali at bumukhas ang main door nila at niluwa nito si Kylie..

Pumunta naman sya sa gate at saka pinagbuksan ako..

"Best.." sambit ko..

"Tiningnan ko si Angel sa kwarto nya pero wala sya doon.. nagtataka narin ako kasi kanina nandito lang sya.. nag aalala narin ako kasi baka umalis sya.. can you help me?" Tanong nya sa akin..

Nakaramdam rin ako ng pag aalala kay naman tumango nalang ako sa kanya

Sumakay kami sa kotse nya.. wala kasi akong dalang kotse eh.. at saka nandito narin naman ako kayla Kylie kaya dito nalang kami..

"Best saan naman natin sya hahanapin?" Tanong ko..

Ngumisi lang sya ng nakakaloko sa akin na nakapagpakaba at nakapagpakunot ng noo ko..

Liniko nya ang sasakyan.. its 12 midnight na kaya wala na masyadong tao sa labas.. nag tataka narin ako rito kay Kylie.. saan naman kaya kami pupunta?

Nang niliko nya ang daan at diniretso parang alam ko na kung saan kami pupunta.. pero bakit?

Lim Airlines..

Bakit naman kami nasa airport?

Nag park kami saka sya lumabas..

"Kylie bakit tayo nandito?" Tanong ko pero imbis na sagutin nya iyon ay nagpatuloy lang sya papasok sa loob..

Naghintay kami sa mga bleachers..

Nakakapagtaka na talaga tong si Kylie.. di ko sya makausap ng maayos..

"Ky.." sabi ko ng seryoso sa kanya.. kanina pa kasi ako nagtatanong sa kanya..

"Kahit anong mangyare.. wag ka sanang mabibigla.. alam kong wala ka pang alam.. at ngayon na ang tamang oras para malaman mo lahat.. lahat lahat Steve" seryoso nyang sambit sa akin at tiningnan pa ako directly sa mga mata ko.. ganito talaga sya makipag usap kapag seryoso sya at totoo..

Nabalik nalang ako sa realidad ng bigla nyang hawakan at pisilin ang kamay ko saka may biglang sumigaw..

Tumayo kami saka tumingin sa babaeng papalapit sa amin..

Ang ganda nya.. flawless.. tapos ang sexy tapos ang puti.. mukhang isa syang model..

Lumapit sya sa amin saka nakipag beso kay Kylie.. tiningnan naman ako nung babae..

"So.. You must be Steve right?" Sabi nya.. paano nya ako nakilala?

"Excuse me? How did you know my name?" Tanong ko..

"She told me that" sabay tingin kay Kylie..

"Can I ask your name miss?" Tanong ko sa kanya kasi parang may iba akong naramdaman..

Ngumiti naman sya sa akin..

"Hi.. my name is Angel.. Angel Fontanilla.. cousin of Kylie.."

^___^

-___-

<____<

0___0

What the hell!?

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now