#4 at the pool area✓

541 30 0
                                    

Agad kaming pumunta sa pool area ng F.A. namiss ko ding lumaban sa mga gantong labanan. Yung sya yung makakalaro ko.

Halos mag wa-one year na yata simula noong manalo ako sa local. Over all ako ang nanalo kaya naman talagang naging proud sa akin sila mama at papa. Ngayon, naghahanda naman ako para sa international championship.

Medyo kinakabahan ako pero may part sa akin na na-eexcite na akong maglaro nun.

"Miss the past?" Tanong nya sa akin habang nakatingin lang sya sa pool na iyon.

"Yeah. Bakit nga pala matapos kitang talunin noong championship bigla ka nalang nag-quit? Tapos bigla ka nalang naging basketball player. Hindi lang player. Varsity ka pa." sabi ko.

"Lumipat lang naman ako kasi alam kong hindi ko deserve ang larong yan. Mas deserve ko ang basketball. MVP nga ako eh." pagmamalaki nya pa sa akin. Napa-irap na lamang ako.

"Pero mas namiss ko ang.." natigil ako at tumingin sa kanya.

Nakatingin din pala sya sa akin.

"Chess."

Sabay naming sabi. Pagkatapos sabay din kaming tumawa.

Naaalala ko pa noong naglaro ako ng favorite sport ko. Ang Chess.

At ang una kong nakalaban noon ay walang iba kundi si Paola. Hahaha! kaya nga naging ka-close ko rin yung gaga na yon. Madaldal nga lang sya at talaga namang nakaka-irita yun para sa akin.

I know ganoon din ito kay Steve.

At noong natalo ko na ang lahat ng kalaban ko sa babae nanalo na ako sa babae. Pero noong naglaban kami ni Steve doon ako natalo at sya ang ipinanlaban sa regional.

Napapangiti nalang ako ngayon kasi wala rin pala sa amin ang nagtuloy ng larong 'chess'. Parehas pa naman naming favorite ang larong yun.

Syempre utak kasi ang pinapagana mo doon.

Pero tingnan mo kami ngayon. Isa akong swimmer habang sya naman ay isang basketball player.

"Hmm.. tititigan lang ba natin ito o lalangoy?" Tanong nya na nakapagpabalik sa akin sa realidad.

"Magpapalit na ako ng swim wear." sabi ko saka ako pumasok sa C.R namin ng mga babae. Samantalang sya naman nakita kong pumunta narin sa kabila kung saan doon yung cr ng mga lalaki.

Agad akong nagsoot ng swim wear saka ko kinuha ang goggles ko. Tapos nagpa-basa muna ako sa shower. Rules yon bago ka tuluyang makapunta sa swimming pool.

Pagkalabas ko nakita ko na rin syang lumabas. At talaga namang nakakapanlalaglag ng panty ang nakikita ko ngayon.

*_*

Oh my pandesal! Meron na akong ulam ngayon!

Wahhh!!!! Ano ba itong mga iniisip ko ngayon! Erase. Erase. Erase. Wag kang bastos!

May inilagay kami sa buhok namin para di makita yung buhok namin or I must say para di sya maging sagabal sa paglangoy namin.

Tumayo kami sa pinag da-divingan.

"Let's make the deal first." sabi nya na nakapagpakunot ng noo ko.

"Ha?"

"Paunahan makapunta sa kabilang dulo at makabalik rito ng freestyle. Kung sino ang unang makabalik ang syang panalo at kapag ikaw ang manalo lahat ng mga iuutos mo ay susundin ko. And vice versa. Ano? Deal?" Sabi nya at inilahad ang kanyang kamay sa akin.

Napangiti lang ako. "okay, deal!" Sigaw ko at nakipagkamay sa kanya.

"Ready!" Sigaw nya.

"Get set!" Sigaw ko.

Fall Inlove With My Manhid BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon