#10 movie marathon

459 27 0
                                    

Umuwi na kami kaagad sa rest house kasi napagod kami sa pakikipaglaro at pakikipag habulan sa mga bata..

At masayang masaya ako sa kanila.. ikinuwento rin nila sa amin kung paano sila napunta doon sa ampunan.. at karamihan sa kanila? Mga sanggol pa lang ng mapunta sila sa ampunan.. pero hanggang ngayon.. walang umaampon sa kanila

Naawa lang ako pero mukhang napalitan naman ng saya sa kabila ng pangungulila nila sa magulang nila..

Doon ako mas sumasaya.. ang makitang masaya ang mga taong malukungkot..

Napagpasyahan nalang namin na mag movie marathon ni Steve..

Para naman may magawa kami.. di pa kasi kami inaantok eh.. kung sa bagay.. 7 palang naman ng gabi..

Doon kami sa kwarto nya napagpasyahan mag movie marathon.. di kasi namin alam kung paano buksan ang tv doon.. bago pa kasi yung tv na yun at naka display palang.. di ko pa napapa ayos kay manong driver slash/ all around boy ng buong resthouse..

May pinabili kasi kaming mga pagkain doon sa dalawang maid tapos mag go grocery na rin pala sila kasi saktong wala na kaming panghapunan kasi di pa sila nakakapamili..

Si manong ang nagdrive sa kanila..

Ngayon kami lang ang tao sa resthouse..

Kumuha na ako ng mga ilang snacks namin..

Meron pa namang snacks dito para sa pagkain namin..

Kasalukuyan akong naglalagay ng coco crunch sa malaking bowl ng bigla syang sumigaw..

"Kylie! Okey na yung tv! Pati narin yung movie! Bilisan monna dyan!" Abat excited? Excited?

Napapailing nalang ako saka ko kinuha ang bowl saka dalawang malaking plastic ng piatos na parehong cheese flavor tapos isang malaking clover.. isusunod ko nalang yung juice..

Umakyat na ako saka ko inilagay yun..

"Wait lang yung juice kukunin ko lang.. i play mo na mabilis nalang naman ako eh.." sabi ko sa kanya.. sinunod nya naman ako at pinlay nya na ang movie..

Ako naman bumaba na agad ako saka ko kinuha ang tray na may lamang juice.. pumunta ako sa lalagyanan ng mga baso ng aksidenteng nadulas sa kamay ko yung isang baso..

*plak!*

Agad kong pinulot yung mga bubog at di sinasadyang nasugatan ako..

"Tsk.." yun lang ang tanging nasabi ko..

"Anong nangyare?" Sambit nya at lumapit sa akin.. "yan na nga ba ang sinasabi ko eh.." sabi nya..

"Wala ka namang sinasabi huh?" Sabi ko naman..

"Ito kamo.. matuto ka ngang makisabay sa trip ng ibang tao.. palagi ka nalang nambabara eh" sabi nya at inalalayan akong tumayo saka ako dineretso sa kusina..

Pumunta kami sa lababo saka nya hinugasan ang daliri kong dumudugo..

"Sa susunod wag kang hahawak ng bubog.. lalo na kapag takot ka naman sa dugo.. kita mo yang mukha mo namumutla na.. tsk" sabi nya habang hinuhugasan yung daliri ko..

Matapos nun ay pinunasan na nya..

"Thanks.." di ko mapigilan ang ngiti ko..

Nag aassume na naman ako na may feelings na sya sa akin.. sa mga pinapakita ba naman nya eh? Di ka pa ba mag aasssume?

"Always Welcome" sabi nya saka binalutan ng band aid yung daliri ko paikot..

Ang cute nung band aid.. di kasi ito yung karaniwang band aid.. may mga baboy itong sticker.. ang cute lang tapos kulay pink..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon