chapter J- okey na kami

199 8 0
                                    

A/N: sorry po kung di ko matatapos ng isang bagsakan ang fall inlove with my manhid bestfriend story ko ito sa july 9 marami kasing ginagawa si Author at may isa pa akong tinatapos na story ko..(love the way you lie:secondary act) pero try ko pong matapos nalang ito sa lalong madaling panahon.. Sorry sorry sorry talaga...

Xoxo🍰🍰🍰
----AmISaying..

Steve's POV

Naalimpungatan na lamang ako ng mga bandang madaling araw na.. Wala ng ulan sa labas at medyo nakikita ko narin ang langit..

Tiningnan ko kung nasaan ako..

So? Totoo pala ang mga nangyare kahapon? Di pala yun isang panaginip lamang!

Tiningnan ko kung sino ang nakayakap sa akin..

Isang anghel agad ang bumungad sa harapan ko ng tumingin ako sa kanya..

Napatingin rin ako sa bandang leeg nya.. Napangiti na lamang ako ng makita ko roon ang kwintas na bigay ko sa kanya noong JS prom.. Suot suot nya parin pala hanggang ngayon?.. (Chapter 51)

Mukhang tiniis nya ang lamig nang dahil sa akin.. Alam kong nabasa rin sya ng ulan kagabi..

Hinipo ko naman ang noo ko at mukhang wala na nga akong lagnat.. Thanks to Kylie..

Tiningnan ko naman ang katawan ko.. Balot na balot ako kaya naman pala ang init ng pakiramdam ko eh..

Tinanggal ko ang kumot saka doon nanlaki ang mga mata ko..

Wala akong saplot! Dali dali ko uli ibinalot ang katawan ko saka ako nagmamadaling pumasok sa cr..  Mabuti na lamang at di ko nagising si Kylie.. Mukhang napuyat rin sya sa pag aalaga sa akin kagabi..

Dali dali kong sinuot ang damit ko na naroroon at nakasabit sa cr saka ako muling lumabas.. Salamat naman at natuyo ito kagabi..

Lumabas na ako saka hinanap ang damit ni Kylie.. Nang mahanap ko na iyon ay basa pa ito kaya naman napaisip ako kung paano nya susuutin yung damit na basa..

Tiningnan ko na muna si Kylie saka ako lumabas ng bahay..

Pumunta ako sa pinakamalapit na bilihan ng mga damit saka ako bumili ng bago nyang damit..

Pero habang nasa counter ako may nahagip akong gamit na kung saan alam kong magugustuhan nya at alam kong bagay na bagay sa kanya..

"Mis ito pa.." Sabi ko sa kahera saka na ako nagmamadaling umalis na roon..

Pumunta ako muli doon sa site kung saan doon ko iniwan si Kylie..

Nang naroroon na ako ay nakita ko syang peaceful paring natutulog..

Lalapitan ko na sana syang muli nang may biglang dumagan sa akin..

Napa upo ako sa sahig saka napapikit na lamang dahil sa pagdila nya sa akin..

"Hmm.. Mukhang miss na miss ako ng baby ko ha?" Natatawang sambit ko sa kanya..

"Aw! Aw!" Tahol nya naman saka huminto na sa pag dila sa akin..

Nakita ko namang gumalaw galaw na si Kylie sa kama at mukhang nagising sya dahil sa tahol ni Chin..

"Oh.. Gising ka na pala.." Sabi ko sa kanya habang nilalaro laro ko si Chin Chin..

"Ahh.. Oo" sabi nya habang kinukusot ang kanyang mata..

Napa iwas naman ako ng tingin ng makita ko yung undies nya.. Nalihis kasi yung robe na ginawa nyang damit.. Kaya naman nakita yung undies nya..

"Ahh.. Kylie.. Binilhan kita ng damit.." Sambit ko saka ko inabot sa kanya ang dala dala kong supot.. "Ahmm.. Magpalit ka na.." Pahabol ko pa habang di parin nakatingin sa kanya..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now