#5 sweet?

531 28 1
                                    

Matapos ng naging magandang laban namin kanina ni Steve sa pabilisan mag-freestyle at ng pagiging mag bestfriend namin ay feeling ko mas nagugustuhan ko na sya ngayon.

Feeling ko marami na akong nalalaman sa kanya.

Marami kaming pagkakaiba pero iisa lang ang pagkakapareho namin.

Pareho kaming COLD.

Kasalukuyan kaming papunta ngayon sa cafeteria o di kaya canteen ang kadalasang pantawag namin dito.

Di naman kami ganoon kasosyalan ni Steve kaya naman 'canteen' ang tawag namin sa pantawag nilang 'cafeteria'.

Is lang ang masasabi ko.

Arte pa more!

Nakakasawa na kaya yung mga ganoong pantawag. Parang kami lang yata ni Steve ang may tawag ng canteen dito eh.

Ang aarte parehas lang naman yung dalawang yun. :3

Pumasok na kami sa loob ng canteen tapos dumiretso na sya sa counter tapos ako naman naghanap na ng mauupuan naming dalawa.

Nang makahanap na ako ay agad akong umupo rito saka ako nag-cellphone.

Maya maya ay dumating na sya.

"Sorry kung natagalan." At alanganin syang ngumiti sa akin.

Natawa lang ako.

"Wag kang mag-sorry sa akin. Baka makita nila tayong hindi cold sa isa't isa mapagkakalaman pa tayong mag shota. Haha!" biro ko sa kanya. Hmm.. medyo half meant na din.

"Ha? Ganoon ba okey" sabi nya saka hinawakan ang kamay ko..

Nagulat naman ako sa ginawa nya..

"Sira ulo! Ang sabi mo gusto mong magpaka cold?" Sabi ko saka ko tinanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko..

Kung para sa akin ilang libong volts na yata ang dumaloy sa pagkakahawak nya sa kamya ko.. sa kanya parang ang cool parin ng dating nya..

Di ko nalang sya pinansin saka ko kinuha yung inorder ko..

"Hmm.. sarap sarap.." sambit ko ng makita ang pagkain na nasa harapan ko..

Beef stakes with brown rice together with an iced tea..

"Grabe di ka pa ba nakakakain nyan?" Sabi nya saka sumubo ng kanin..

Sinimangutan ko nga.. napansin ko lang na marami na palang naka tingin sa amin.. launch time na kasi eh..

"Steve bakit kaya sila nakatingin? Kung tusukin ko kaya yung mga mata nila?" Sabi ko sa kanya saka kumain..

"Maging cold ka lang kasi.." sabi nya.. oo nga cold na sya ngayon.. kaya nag switch na ako sa pagiging cold ko..

Walang imikan kaming kumain ni Steve.. syempre cold mode nga kami ngayon eh..

Habang kumakain tinawagan ko si Paola..

Sinagot nya naman yun..

(Yes Pres?)

"Paki dala naman dito yung letter for Mr. Principal.. asap.." sabi ko saka ko pinatay yung call..

Napatingin naman ako kay Steve..

"What?" Cold nyang sabi..

"Whatever" sambit ko nalang pero this time cold mode ako..

"Teka sila ba?"

"Bakit parang ang close nila?"

"Tss.. di na ako magtataka kung sila na ngayon"

Fall Inlove With My Manhid BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon