#34 what the hell?!

401 18 0
                                    

Continuation.. (parin:p)

Naglalakad na kami ngayon papuntang gym..

Pero bago yun pumunta muna kami sa locker namin kasi sabi ni Steve baka mawala yung mga baf namin kapag iniwan nalang namin basta basta sa mga bleachers kapag nag practice na kami..

Medyo na eexcite na rin ako ngayon! Magkakasayaw nanaman kami ni Steve!

"Steve kelan nga pala practice natin para doon sa kakantahin natin? 2 weeks nalang at J.S. na" sabi ko sa kanya.. napatingin  naman sya sa akin matapos nyang isara yung locker nya..

"Mamaya nalang sa bahay" sabi nya at dumiretso na sa labas.. abat! Iniwan nanaman uli ako rito! Nakakainis na tong lalaki na toh huh?

Sinarado ko na yung locker ko saka ako lumabas.. paglabas ko naman nag aantay lang sya doon.. hinampas ko nga sa braso..

"Aray! Ano nanaman ba?" Sabi nya at hinaplos haplos yung braso nya..

"ilang beses mo na akong iniiwan.. tss.." sabi ko at nag crossed arms sa kanya saka ako naglakad..

"Tingnan mo toh.. ikaw naman ngayon nang iiwan" sabi nya at humabol sa akin..

"Nga pala.. muntik ko ng makalimutang.." sabi ko at humarap sa kanya.. binatukan ko naman sya ngayon..

"Anak ng tinapa naman oh! Bakit may batok ka?!" Tanong nya at hinimas himas ang batok nyang binatukan ko..

"Ikaw! Bakit ka maglalaslas kagabi?! Hay naku! Sinasabi ko talaga sayo Steve!" Sigaw ko sa kanya kaya naman medyo narinig nung mga tao..

Agad nya namang tinakpan ang bibig ko.. at masama akong tinignan..

Nag peace sign nalang ako sa kanya..

Tinanggal nya naman na ang pagkakatakip nya sa bibig ko at napabuntong hininga..

"Wala ako sa sarili ko.. thats it.. thank you at nandoon ka" sabi nya sa akin..

Napailing nalang ako sa kanya at napabuntong hininga..

"Alam mo bang natakot ako at nagalit sayo kagabi?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.. "tapos may hawak ka pang kutsilyo.. its too close.. mahihiwaan mo na yung sarili mo alam mo ba yun?.." sabi ko sa kanya.. "nagalit rin ako sa sarili ko kasi dapat pala noon palang gumawa na ako ng mga plano para mapaghiwalay kayo ni Danica.." sabi ko sa kanya..

Umiling naman sya sa akin at tiningnan ako..

"No.. ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit ako nasasaktan ngayon.. binigyan mo na ako ng warning pero di ako nakinig.. im sorry if I made you worried.. but ill promise.. i will never ever do what I did before.. im sorry" sabi nya sa akin ng seryoso..

"Its okey.. kalimutan nalang natin lahat ng mga nangyare.. halika na at mag pa practice pa tayo.." sabi ko nalang sa kanya at hinawakan ang kamay nya..

Nagulat man sya pero ngumiti na lang rin sa akin at inalis ang pagkakahawak ko sa kamay nya saka nya yun pinang akbay sa akin..

Saka kami naglakad..

Habang naglalakad kami sa hallway kapansin pansin na maraming mga nakatingin sa amin.. eh kung tusukin ko kaya yang mga mata nila?

"Dont mind them.. lets go" sabi nya at binilisan pa ang paglakad sa natangay naman daw ako..

"Wait lang.." sambit ko at inalis ang pagkaka akbay sa kanya saka ko nalang sya hinawakan sa kamay.. "mas maganda yung ganito.. masakit na kaya yung balikat ko.. ang taba mo na pala" sabi ko ng natatawa sa kanya..

Napasimangot naman sya.. "baliw muscles ko yan" sambit nya at parehas kaming natawa..

Pumasok na kami sa gym..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now