#33 Continuation

380 19 0
                                    

Continuation..

Nagbihis na ako ng maayos ngayon.. kakatapos ko lang maligo at nakapagbihis narin ako ngayon..

Kasalukuyan akong nag bo blower ng buhok ko ng may biglang kumatok sa pinto ko..

"Pasok!" Sigaw ko habang nakaharap sa salamin at binublower yung buhok ko..

Bumukas naman ang pinto at pumasok si Steve..

Nakatalikod kasi ako sa kanya at nagkatinginan nalang kami sa mirror..

"Ang tagal mo naman.." sambit nya sa akin.. at nagpatihulog sa kama..

"Wag ka ngang magmadali.. di pa naman tayo late" sambit ko..

"Nope.. late na tayo.. kasi wala namang uwian sa tanghali.. isa pa di tayo pumasok kaninang morning" sabi nya naman..

"Eh di ikaw na ang genius" sabi ko sa kanya habang iiling iling at nakangiti..

Napangiti naman sya ng nakakaloko sa akin..

Matapos kong magpatuyo ng buhok ay agad ko ng sinuklay yung buhok ko tapos kinuha yung bag ko..

"Lets go.." sambit ko..

"Paano ako makakapasok kung wala akong dalang gamit?" Tanong nya habang nakahiga parin..

Napa face palm nalang ako..

Oo nga pala dito sya natulog kagabi..

"Uuwi nalang muna tayo sa inyo then kukunin.." sambit ko at hinila na sya sa pagkakahiga nya..

"K" sabi nya naman saka nagpahila na.. kinuha ko ang susi ng kotse ko saka kami bumaba..

Saktong pagbaba namin ay nasalubong namin sila mama at papa kasama sila tito at tita.. may mga dala silang mga aso..

Aso?

Paano nagkaroon nyan dito?

"Teka.. kanino yan?" Tanong ko at napahinto..

Napahinto rin sila.. apat na mga puppys lang naman ang buhat buhat nila ngayon..

"Ang ko cute nila nuh?" Sambit naman ni mama sa akin..

"Anak pet namin sila so be good to them" sabi naman ni papa..

"Saan nyo naman po yan napulot?" Tanong ni Steve

"Grabe ka naman anak napulot agad?" Sabi ni tita

"Syempre binili namin toh.." sabi naman ni tito..

"Ahh.." in chorus naming sambit ni Steve..

"Papa.. alis na po kami" sambit ko kay papa..

Tumango lang sila sa amin saka kami tuluyan ng bumaba ng hagdan at lumabas na ng bahay..

Pumasok na kami sa kotse saka ko na pinaandar yung makina then umalis na kami..

Pumunta na muna kami sa bahay nila Steve tapos kinuha nya yung bag nya..

"Matagal ka pa ba dyan?" Tanong ko sa kanya habang nakasandal sa kotso ko..

Lumabas naman na kaagad sya saka sya pumasok sa kotse.. abat di ako hinintay!

"Di mo naman ako hinintay" sabi ko ng makapasok na sa kotse..

"Lets go.." sambit nya lang.. anu toh.. bipolar tong lalaki na toh ah..

"Anong problema?" Tanong ko sa kanya at binuksan ang makina ng kotse..

"Shes here" sabi nya.. napatingin naman ako sa kanya..

"Who?" Sabi ko..

"Danica.." sabi nya saka sya tumingin sa bintana at tumingin sa main door nila..

Kaya naman tumingin narin ako doon..

Oo nga nandoon si Danica..

At ang sama ng tingin nya sa amin..

Tinaasan ko nalang sya ng kilay.. hahabol pa sana sya sa amin ng bigla kong pinatakbo paalis ang kotse ko.. ano yun? Papasakayin ko sya rito? Eh kaaway ko nga yun.. tch.

Nag drive na ako paalis.. kita parin kay Steve na affected parin sya.. nakita nya lang yung babaeng yun bigla nalang syang nalungkot bigla.. and at the same time cold nanaman ang aura nya ngayon..

"Dating gawi.." sambit ko sa kanya ng maiparada ko na yung kotse sa parking ng school..

Tumango lang sya sa akin saka sya ngumiti ng pilit..

"Wag pilitin ang ayaw.. mas mabuting mag cold ka nalang.. at least di nila mahahalata yang tunay na nararamdaman mo" sabi ko sa kanya pero this time cold na ang aura ko.. bipolar rin ako eh noh?

Lumabas na ako at sya rin.. nakapamulsa kaming lumabas sa parking.. pinagtitinginan naman kami ng mga estudyante..

Oo nga pala at may issue sa amin rito sa F.A. tapos sabay pa kaming pumasok.. but who cares? Wala akong pake..

Habang naglalakad kami sa field at pinagtitinginan kasi lunch break nila ay nakita namin si Principal na patungo sa amin..

"Best papunta rito si Principal" sabi ko kay Steve at napahinto.. napahinto rin naman sya at tiningnan si Principal..

Nang makalapit si Principal sa amin ay agad namin syang binati ng good afternoon..

"Di ko kayo nakita kanina sa room nyo so I guess na di kayo pumasok" sabi ni Principal natango lang kami ng sabay ni Steve sa kanya..

"Sir yung tungkol po sa JS.." sambit ni Steve..

"Yes.. kasama kayong dalawa.. in fact nagpa practice na sa pagsayaw ang mga 3rd year at 4th year ngayon so walang klase.. gusto ko rin sana sabihin sa inyo na gusto kong mag duet kayong dalawa sa JS.. halos lahat ng mga estudyante rito ay napahanga ninyo sa maganda nyong boses.. kaya imbis na banda ang kukunin namin ay kayo nalang.." sabi ni Sir sa amin..

Tumango tango naman kami..

"And kayo ang magpapasa ng titulo sa bagong King and Queen ng F.A... isa pa.. tatlong kanta lang naman ang kakantahin ninyo kasi may D.J. rin naman tayong magpapatugtog para kapag nagsayaw na kayo.. syempre kayo ang first and last dance" sabi ni Sir at nangisi pa..

Napatingin naman ako kay Steve.. nakatingin lang sya kay Sir..

"Di nga namin inakalang kami ang magiging queen and king nun eh.. dapat nga di na kami dumalo sa JS.. but.. our parents are very naughty." Natatawang sambit ni Steve kay Principal..

"Tss.. alam nyo bang sila rin ang may pasimuno kung bakit kayo naging Queen and King?" Natatawang sambit ni Principal..

Natawa nalang kami at napatango tango..

Talagang sila ang may pasimuno nun.. pinuntahan ba naman kasi nila yung mga emcees at si Principal eh.. kasi di na namin napansin na wala na palang sumasayaw nun at todo pa kami sa pag sayaw at pag aasaran nun..

"Anyway.. nasa gym na silang lahat.. at kanina pa kasi kayo hinahanap ng mga mentor doon.. kailangan na kayong maturuan ng steps.." sabi ni Principal.. tumango lang kaming dalawa ni Steve saka na kami naglakad palayo..

"Best doon na muna tayo sa library.. nasa gym si Danica.. diba ayaw mo syang makita?" Sambit ko kay Steve.. napabuntong hininga nalang sya sa akin..

"No.. pupunta tayo doon.." sabi nya.. napatingin naman ako sa kanya..

"Are you sure?"

"Yes.. dapat di ako papaapekto sa kanya.. saka may plano ako.." sambit nya saka ako tiningnan tapos ngumisi..

Ano nanaman kayang plano nitong mokong na ito?

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now