#9 younger step sister✓

422 25 0
                                    

Continuation..

Pumunta na kami sa labas.

Habang papunta kami mas lalong lumalakas ang mga boses ng mga batang naglalaro sa labas.

"Best, teka lang." sabi ko kaya naman napahinto sya sa pag-hila sa akin.

Kinuha ko ang DSLR na nakasabit sa leeg ko saka ko tinapat sa amin.

"1.. 2.. 3.. cheese!" Sabi ko saka ako nag-peace sign tapos clinick ko na para ma picturan na kami.

Matapos nun ay hinila ko na sya papunta sa labas. Hindi ko na nasilip kung maganda ba ang kuha. Basta't kasama ko sya kahit naka pang pulubi pa kaming damit na mag picture kami okay lang. Maganda parin.

Pagdating namin sa labas ay agad na bumungad sa amin ang masasayang naglalaro na mga bata sa park.

Napatingin silang lahat sa amin ng makita nila kami.

Agad namang lumapit sa amin sila tita at tito saka kami ipinakilala.

"Kids, sya nga pala ang inyong Ate Kylie at ito naman ang kanyang boyfriend na si Kuya Steve. Mamaya ay makikipaglaro sila sa inyo. Mag behave kayo huh?" Pagbibigay paalala ni tita sa kanya.

Napatingin naman kaming dalawa kay tita. Sinabing hindi ko nga boyfriend itong si Steve e. :3

Pero SOON! Hahaha!

Ngumiti lang sila ng nakakaloko sa aming dalawa napa iling-iling nalang ako samantalang sya napatingin nalang sa mga bata na naging busy na muli sa pakikipaglaro at sa paglalaro.

Naaalala ko pa tuloy nung bata pa ako.

Wala akong ganitong klaseng childhood memories. Palagi kasi akong nasa bahay at palagi lang akong nagbabasa. Minsan nag-aaral ng mga kung ano ano. Hindi man lang ako nakaranas maglaro at makipagkaibigan sa iba.

Nakakalungkot lang kasi naiinggit ako sa kanila! Buti pa sila...

Para tuloy gusto kong maglaro ngayon!

Hayst! Kylie! Ano ba yang mga pinag iiisip mo dyan? Umayos ka nga! 16 years old ka na! Kaya umayos ka!

Nagulat nalang ako ng may biglang kung sinong humihila sa ilalim ng bistida ko. Napatingin tuloy ako sa kanya.

Isang babae sya. Bata! Malamang! Ang cute nya tapos morena pa ang kutis nya. Tapos ang haba pa ng kanyang medyo brown na buhok.

Mukhang may lahi ang batang ito.

Napaluhod ako para maging pantay kami.

"What's your name little lady?" Tanong ko.

"Anica, you? what's your name?" Aba! Tamang tama lang na bright childs ang pangalan dito. Mga bright naman kasi ang mga childs. Joke!

Matatalino sila. Englishera eh.

"I am ate Kylie." sabi ko saka ko pinisil ang pisngi nya.

Ang cute kasi ang tambok tapos ang taba! Para syang may marshmallow sa pisngi. (^~^)

"You are very pretty. I'm sure my kuya would be like you!" Sabi nya nagulat naman ako sa sinabi nya. May kuya sya?

"Meron kang kuya?" Tanong ko.

"U-huh nagkikita na kami pero iba kasi ang mommy ko kaya ako tinatago dito ni daddy. Ayaw nya lang kasing mag away sila ng mommy kong pangalawa." malungkot nyang sabi.

Niyakap ko naman sya ng may kung ano ng tumulo sa mata nya.

Masyado pa syang bata para maramdaman ang itago ng isang ama sa kanyang asawa.

"Wag ka ng umiyak please?" Sabi ko.

"*sniff* wag kang mag-alala, ate. At least nandito si kuya. Sa wakas at dinalaw nya ako muli." sabi nya at pilit na ngumiti sa akin.

"Then, ipakilala mo naman ako sa kuya mo." sabi ko.

Kumalas naman sya sa pagkakayakap namin saka nya ako hinila papunta sa isang puno kung saan may isang lalaking naghahanap ng kung sino.

And then..

"Bulaga!" Sigaw nya saka lumabas yung batang lalaki na chubby na nagtatago.

Nagtataguan yata sila.

"Kuya, maduga ka naman eh! Im hiding na nga tapos nakita mo parin ako. Siguro may kaibigan kang ghost tapos tinuturo nya ako." nakapout na sabi nung chubby na little boy.

Natawa nalang yung lalaki. Hindi ko kasi sya makita kasi medyo malayo pa kami tapos nakatalikod pa sya.

"Tss. Naughty boy. Imagine ka pa ng kung ano ano " sabi nya. Teka bakit parang familiar yung boses nya.

Naglalakad kami ngayon ni Anica ng may mapansin akong kakaiba sa lalaki. Parang kilalang kilala ko talaga sya.

Teka. Sino ba sya? Bakit parang kilala ko sya?

"Kuya!" Sigaw nitong si Anica napatingin naman ako sa lalaking sinigawan nya.

0_0

"Ikaw!" Sigaw ko sa kanya.

"Teka, kilala mo ba sya ate Kylie?" Tanong ni Anica.

Tumango lang ako. Teka.. ibig sabihin kapatid nya ito? Tapos tinatago lang sya ni tito? Bakit?

Madaming gumugulo sa utak ko. Mahirap paniwalaan na sya pala yun.

"Kasama ko sya Anica" pagsagot nya.

"Ayyieee! Is she your girlfriend, kuya!?" Nangingiti na tanong ni Anica.

"No, we're bestfriends." sabay naming sabi tapos natawa nalang si Anica. Habang ako pinoproseso parin sa utak ko lahat ng mga nangyayare.

"Ahm.. Anica, ikuha mo muna kami ng Juice ni ate Kylie mo pati narin cookies. Mag-uusap lang kami." sabi nya. Tumango lang si Anica saka na sya umalis.

Naupo ako sa puno. Nag-indian seat ako. Iniisip ko parin ang mga posibleng mga nangyare kahit na malinaw na malinaw naman na sa akin.

Tumabi naman sya sa akin tapos nakita kong tinitingnan nya lang ako.

Nailang tuloy ako bigla.

"Meron ka palang kapatid?" Sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin.

Tumango lang sya tapos humiga sya sa hita ko. Nagulat ako sa ginawa nya.

Ganito siguro talaga sya mag express ng feelings.. kaya siguro cold sya para di na sya makasakit ng dahil sa pag aasume.. pero ako? Kahit na mag assume ako di naman nya makikita eh. Hindi nya naman mararamdaman kasi.. Cold din ako.

Or baka sabihin kong...

Manhid lang rin sya?

"She is Anica. My  younger step sister. Sya ang naging bunga ng naging maling desisyon ni dad sa isang gabi. Kaya ngayon. Nandito sya. Kasi ayaw nyang mag-away sila ni mom." sabi nya. Do ngayon. Mas malinaw na sa akin ang lahat.

Pumikit lang sya habang naka unan parin sya sa mga hita ko.

"So, kelan nyo sasabihin kela tita? Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"I don't know when. But alam kong very soon na yun. Kaya naghahanda na ako sa mga pwedeng mangyare. But suddenly, makita ko lang na di na nagkikibuan sila mom and dad. Hindi ko na yata kaya." sabi nya saka nya binuksan ang kanyang mga mata at tumingin sa mga mata ko.

"Wag kang mag-alala. Nandito naman ako eh. Pwede mo akong iyakan kung gusto mo. Pwede mo akong saktan kung kaya mo. Pwede mo akong sabihan ng mga problema mo if you want to. Pero kapag ang hiniling mo ay layuan kita. Kahit na magalit ka pa sa akin. Hindi kita iiwan." sabi ko saka ko hinawakan ang kamay nya.

Okay, chansing din ito so I grab the chance! Pagbigyan na lang.

"Thank you sa lahat, Kylie.."

Ngumiti ako.

"Para sayo. gagawin ko lahat." ngumiti naman sya. "and you're welcome, Steve"

===

[Edited]

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now