#54 JS Prom P.2

267 13 0
                                    

Long chapter..

Katatapos lang naming kumain at magkwentuhan ni Steve.. halos lahat na rin ng mga estudyante rito nag papa picture sa aming Steve.. hahaha..

Ito naman si Steve di na maipinta yung mukha kasi kanina pa sya iritang irita sa mga picture taking na mga pinagpupumilit ng mga estudyante..

Natatawa nalang ako..

"Whats funny?" Seryoso nyang sambit sa akin..

"Ngayon ko lang nalaman na cute ka pala kapag naiirita.. haha" sabi ko sa kanya..

Napanguso nalang sya sa akin..

"Hahahahahah!" Tawa ko sa kanya habang nakakalampag ko na yung lamesa namin.. para tuloy akong ewan rito kasi pinagtitinginan na kami ni Steve..

Ilang beses na akong tumigil sa pagtawa pero natatawa parin ako sa kanya..

Nag pout sya?! Seriously?! Hahaha.. nakakatawa lang talaga sya mag pout..

"Shut up Mine.." seryoso nya paring sambit.. alam kong inis na sya sa akin pero anong magagawa nya? Diba? Nakakatawa lang talaga..

"Wait.. hahah.. nag.. hahah.. pftt.. wait.. nag pout ka talaga?!.. seriously?! Steve?" Natatawa ko paring sambit.. lumapit naman sya sa akin..

"Kapag di ka tumigil hahalikan kita.." sabi nya..

Pagsabi nya palang nun.. natigilan na ako.. teka.. parang may magic powers sya.. ano ba yan!

Napangisi naman sya..

"Good.. natahimik ka rin.." nakangisi nya paring sambit sa akin.. inirapan ko nalang sya..

Pero deep inside talagang kinikilig na ako.. hehehe..

**********

Matapos ng pagkwekwentuhan namin ni Steve ng mga iba ibang bagay lang at mga ka walang kwentang usapan lang tapos tawanan tinawag na uli kami sa Stage para kumanta uli at ang mga 3rd year saka yung 4th year na may mga dala dalang mga bulaklak para ipasa na ang mga maiiwan na tungkulin namin sa kanila kapag umalis na kami..

Umakyat na kami roon saka muling nagsimula na..

(Like im gonna lose you by meghan trainor)

{A/N: di na ako maglalagay ng mga lyrics sa dalawang remaining song ni Steve at Kylie.. medyo natamad talaga akong hanapin yung lyrics nila kaya imagine nyo nalang na yun yung mga kinakanta nila.. dito lang ako maglalagay ng walang lyrics na kanta pati sa kakantahin nila sa paparating na musicahan sa F.A. sana po wag madissapoint hahah.. sa susunod na mga kantahan siguro maglalagay na ako ng lyrics.. yun lang^_^v}

Nagsimula na kaming kumanta ni Steve.. at habang dahan dahan na lumalapit ang mga 4th year sa mga 3rd year talagang iyakan na sa baba pati nga rin ako naiiyak na kasi may aalis nanaman sa F.A.

Napatingin naman ako kay Steve nung sya na yung turn.. wala mang bakas na luha sa mga mata nya pero mahahalata mong malungkot sya.. malungkot kaming lahat..

Nagsibigayan na sila sa baba ng mga bulaklak at nagsiyakapan na ang lahat.. yung iba para bang di na talaga sila magkikita kung magyakapan sila..

Naluha nalang ako hanggang sa matapos na ang kanta namin..

"Grabehan na talaga sa F.A. ano?" Pagbibiro nubg emcee pero bakas mo na umiyak rin sya kanina.. "wag na muna tayo mag dramahan mga students.. marami pang buwan mamamalagi ang mga 4th year sa atin.. August palang noh.." sabi nya pa kaya naman natawa nalang kaming lahat..

Naglakad na kami papunta sa mga kaibigan namin kung saan nagkwekwentuhan sila ng mapansin kong wala sila Prince at Klarisse.. nasaan nanaman kaya yung mga yun?

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now