#7 unexpected wake up✓

455 29 0
                                    

Nagising nalang ako dahil sa init na nararamdaman ko.

Napabangon ako ng dis oras kasi talagang pinagpapawisan ako ng sobra.

Bakit ba ang init?

Napatingin ako sa paligid.

Nasa Bohol na pala kami. Teka, ano ba ang nangyare?

Binalikan ko ng ilang sandali ang mga nangyare.

Oo nga pala kasama ko ngayon dito si Steve.

Napangiti tuloy ako ng dis oras. Nakakakilig yung nangyare sa canteen. Psh. Sana totoo nalang yun.

Teka, back to reality na nga.

Bakit nga ba uli mainit? Napatingin ako sa suot ko. Naka jacket parin ako. Yung pinahiram sa akin ni Steve kasi masyado daw manipis yung damit ko. Tapos yung pinangkumot namin kanina sa eroplano.

>_< Wahhhh!!! Kilig much naman!

Tinanggal ko na yung pagkaka-jacket ko.

Talagang basa na yung likod ko tapos yung damit kong p.e. basa talaga sya ng pawis ko. Matapos nun ay pumunta ako sa aircon.

-__-

Amputik! Nakalimutan ko palang buksan yung aircon!

Bwisit na aircon yan! Nawala yung tulog ko!

Pumunta nalang muna ako sa cr. Naligo na muna ako kahit madaling araw palang. Grabe ang init ng naramdaman ko kanina. Feeling ko nga tumakbo ako ng pagkabilis-bilis at pagkahaba-haba.

Matapos kong maligo at magbabad sa cr ay nagbihis na ako ng simple. Naka sando na kulay light blue plus cotton shorts na kulay puti na bumagay naman sa kutis kong maputi.

Sinuklay ko muna ang buhok ko bago tuluyan ng bumaba kasi talagang nagugutom na ako.

Naalala ko nga pala na nakalimutan kong kumain ng dinner.

Si Steve kaya? Nakakain kaya sya?

Binuksan ko lahat ng ilaw sa kabuuan ng bahay.

Remember? Takot po ako sa multo kaya naman kapag madilim ang paligid plus ikaw lang ang tao medyo natatakot ako. Minsan kasi naiimagine ko yung mga ghost na malapit lang sa akin.

"Hmm, ano kayang ulam?" Tanong ko sa sarili ko habang papuntang dining room.

Pagpunta ko doon. Agad na bumulaga sa akin ang isang nakatakip na pagkain sa ibabaw lang ng lamesa.

Agad akong na-excite saka ako dali daling kumuha ng plato, kutsara, tinidor, baso, pati narin tubig sa refrigerator.

Naupo ako sa lamesa saka binuksan ang laman nito.

Agad na nanlaki ang mga mata ko saka ako nawalan ng gana kumain.

Bakit ba sa dinami rami ng pwede nilang lutuin bakit chicken curry pa! Ayoko nga ng lasa nyan eh!

No choice ako ngayon. Magluluto ako para may makain ako. Nagwawala na lahat ng mga anaconda ko in my little tummy.

Pumunta ako sa kusina.

Kumuha ako ng mga sangkap para makapag luto ako ng.. hmm...

Adobo!

Favorite dish ko yun. Gustong gusto ko yun na niluluto ko.

Agad akong nagluto kasi gutom na talaga ako. Habang nagluluto ako nag earphone na muna ako saka nag music para di ako maboring sa katahimikan ng buong bahay.

Habang nagluluto pinatay ko na muna ang music saka tinawagan si Paola. Alam kong tulog na sya ngayon pero gusto ko syang makausap.

Alam nyo bang 2:50 am palang!

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now