special chapter: selos much day

347 7 1
                                    

(Ito yung lost chapter 62.. dagdag ko narin para malaman nyo kung paano maselos si steve)

Maaga akong nagising ngayong araw na ito dahil kay Steve na kanina pa ako kinakatok sa pintuan..

"Mine! Bumangon ka na't male late tayo sa first day natin!" Pag kukulit nya sa akin..

Nang nakulitan na talaga ako sa kanya ay tumayo na ako saka ko binuksan ang pintuan at pinapasok sya..

Dumiretso ako sa banyo ng nakapikit..

Naramdaman ko naman ang presensya nya na sumunod sya sa akin sa banyo..

"Hayst! Kanina pa ako katok ng katok sa labas mine eh.. Ang bad mo naman.." Parang bata nyang sambit sa akin..

Nangiti nalang ako sa kanya saka ako nag mumog sa lababo.. Saka ako naghilamos ng mukha ko..

"Oo na nga.. Kasalanan mo kasi eh.." Sambit ko sa kanya saka ako humarap sa kanya na ngayoy naka kunot na ang noo..

"Bakit naman ako?" Tanong nya sa akin..

Natawa nalang ako.. "Di ako nakatulog kasi hanggang panaginip ko kinukulit mo ako.. Tsk" sambit ko.. Natawa nalang kami ng sabay sa sinabi kong yun..

"Aba! Gumaganyan ka na Mine huh? Ako lang ang pwedeng mangganun sayo.. Haha" sambit nya..

Winisikan ko naman sya ng tubig sa mukha nya gamit ang kamay ko..

"Alis na nga at maliligo na ako.. Haha" sambit ko sa kanya..

"Sige na.. At akoy bababa nalang para antayin ka na sa baba.. Kanina pa nga ako tapos eh.. Nakalimutan kong tulog mantika ka nga pala.. Tss" sabi nya sa akin saka sya lumabas ng cr..

"Nga pala Mine! Paki dala nalang rin yang bag at cellphone ko sa baba.. Haha!" Sambit ko saka ko na sinara yung pinto ng cr..

Ayaw nya talagang pinagbubuhat ko sya ng mga gamit ko.. Para daw kasi syang bakla.. Haha! Ang sweet kayang makakita ng may nagdadala ng gamit ng babae.. At lalaki pa! Or I must say BOYFRIEND mo pa!

"Tsk" rinig kong sambit nya sa akin sa labas..

Natawa nalang ako ng palihim sa inasal nya..

Naligo na ako..

After ilang minutes ay natapos rin akong maligo.. Medyo nagbabad rin kasi ako.. Sigurado akong kanina pa yun nag aantay sa baba..

Lumabas na ako ng cr saka ako nagmadaling magbihis ng uniform namin doon..

Para nga kaming nag aaral sa korea eh.. Ang ikli ng palda then ang haba ng manggas nya.. May neck tie pa..

Sila Steve naman naka pantalon sila na kulay black na may coat sila sa pantaas na may neck tie din..

Bumaba na ako sa baba at naabutan ko naman syang nakikipag kwentuhan at nakikipag asaran kela Manang at Manong na kumakain rin sa baba..

Napansin yata nila ako..

"Halika na at male late na tayo.. Ang tagal mo talagang mag ayo kahit kelan.." Pag papangaral nanaman nitong katabi ko..

Nginusuan ko lang sya.. "Ito na nga oh.. Kakain na" sambit ko sa kanya saka ko na kinuha yung hotdog saka pancake sa pinggan at nilagay sa plato ko..

Si Steve naman tumayo saka kumuha ng gatas..

Nilagay nya yun sa tabi ng plato ko.. Kaya naman napatingin ako sa kanya..

"Bakit?" Inosente nyang tanong sa akin..

Tinaasan ko lang sya ng kilay saka ko tiningnan yung gatas na tinimpla nya..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now