last chapter 7: RT: Kylie and Klarisse

231 9 0
                                    

Kylie's POV

(Mga panahon kung saan nagri real talk rin sila Steve at Prince..)

Naririto ako sa garden ng bahay namin.m nagpapahinga lang ako kasi sobrang stress na ako nitong mga nakaraang mga araw..

Nakapagpapa relax nga naman ang katahimikan at ang buong paligid rito sa garden ni mama..

Namiss ko tuloy iyong mga oras kung saan magkasama kami ni Steve na nagsasaya rito.. ang sweet sweet namin dati rito.. namimiss ko tuloy lahat ng sakanya..

Yung makinis nyang mukha..

Yung magulo at itim nyang buhok

Yung mapupungay nyang mata

May pagka cold nyang boses

Yun bang perfect shape nyang mukha

Matangos nyang ilong

At mapupula nyang labi..

Di ko namalayang naiiyak nanaman pala ako ngayon rito..

At mamaya na ang engagement party.. yung dating gustong gusto kong dumating na ang araw na iyon.. excited ako ng mga panahong yun.. pero ngayon? Paki tanong mo nalang sa pagong at baka sakaling magsalita..

Ayaw ko ng dumating ang panahong ito.. pero wala akong magawa.. wala talaga..

"Kylie.." bigla na lamang may tumawag ng pangalan ko..

Napatingin ako sa likuran ko saka ko pinahid ang mga luha ko..

"Anong ginagawa mo rito." Walang emosyon kong tanong sa kanya..

Ngumiti lamang sya saka sya lumapit sa akin at tinabihan ako sa bench na kinauupuan ko..

Saka sya tumanaw sa malayo... teka? Pinayagan ko na ba syang umupo sa tabi ko?

Magsasalita na sana ako ng magsalita sya..

"Naaalala mo pa ba nung mga bata pa tayo?" Tanong nya sa akin.. "nakaka miss yung mga moments kung saan wala tayong iniisip.. wala tayong iniintindi kundi ang maglaro.." nakangiti nyang sabi sa akin..

Napakunot naman ang noo ko.. "ano ba yang m pinagsasasabi mo?" Tanong ko sa kanya..

Tumingin naman sya sa akin saka ngumiti..

Nang aasar ba sya o ano?

"Sorry Kylie.. pasensya ka na sa mga kat*ngahang nagawa ko sa inyong dalawa ni Steve.. wala akong hinangad noon kundi ang mahigitan ka sa lahat.. pero wala talaga.. hindi ako magaling sa swimming katulad mo.. palagi akong 2nd honor.. di ako magaling kumanta.. o kahit na humawak man ng instrumento.." sabi nya sa akin.

Hanu daw?

Natawa nalang sya ng mahina saka nya tinampal ang balikat ko.. "di ka parin nagbabago.. malilituhin ka parin.. kahit na kelan.." sabi nya..

Napangiti nalang ako..

"May naaalala ka ba ngayon?" Tanong nya..

Napa isip ako..

"Ordinary day lang naman ngayon.." sabi ko sa kanya kaya nag pout sya sa harapan ko..

"9th anniversarry of friendship na natin ngayon.." sabi nya sa akin..

Agad na nanlaki ang mga mata ko..

"seryoso! Totoo?! Tanda mo pa?!" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya..

"Oo nga.." sabi pa nya saka huminga ng malalim.. "pasensya ka na at nasira ko yata ang binuo nating friendship noon" malungkot nyang sabi..

Maya maya bigla nalang akong nakarinig ng mga hikbi.. bigla akong tumingin sa kanya saka ko nakita syang pinupunasan ang kanyang mga luha.. saka nya ako nilapitan at niyakap..

"Im sorry Kylie.. im so sorry talaga" sabi nya sa akin.. bigla na lamang kumawala sa mga mata ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan..

Kusang kumilos ang mga kamay ko saka ko nalang nakikita ang sarili kong yakap yakap ko na sya at kapwa na kami umiiyak..

"Its okey" sabi ko.. yun lang naman ang mga hinihintay kong mga kataga.. ang mag sorry sya sa akin.. "di mo lang alam yan lang ang mga hinihintay ko" nakangiti kong sabi sa kanya..

Kumalas naman sya sa pagkakayakap namin saka nya pinunasan ang mga luha ko..

Pinunasan ko rin ang kanya..

"Salamat.." sabi nya ng nakangiti..

Matapos nun ay binalot na kami ng katahimikan saka sya nagsalita..

"Real talk.." sabi nya..

"Ano naman?" Tanong ko..

"Aalagaan mo si Steve huh? Ayaw kong makikita syang nalulungkot.. ayaw kong iiyak sya ha!.. kung iiyak man sya.. gusto ko sa sobrang tuwa yun manggagaling huh?"

Napatango tango nalang ako sa kanya..

"Ako rin.. Klarisse.. Real talk" sabi ko..

"What?" Tanong nya sa akin..

"Salamat sa lahat ng mga sinasabi mo.. pero paki sampal mo nga ako ngayon at aka nananaginip ako o kung ano.. kasi ibang iba ka na talaga.. para kong kausap yung dating version ng Klarisse"

Bigla ba naman akong binatukan ng bruha..

"Aray! Masakit yun huh?!" Sigaw ko sa kanya..

"Diba sabi mo sa akin----"

"Ang sabi ko sampalin mo ako hindi batukan.." sabi ko habang hihimas himas sa batok ko..

"Sige.. get ready" agad akong napatayo ng bigla nyang hinanda ang kanyang kamay para sampalin nya ako..

"Wag na! Tingna mo nga oh! Naniniwala na nga ako.." sabi ko sa kanya.. natawa nalang sya sa akin..

naupo na ako saka na sya nagsalitang muli..

"Alam mo.. nakita ko na yung mahal ko.. yung the one ko" sabi nya sa akin..

"Sino?" Tanong ko..

Ngumisi lang sya sa akin saka nya sinagot yung tanong ko..

"Si Steve" sabi nya..

Kaya sya naman ang nabatukan ko..

"Eh sira ulo ka naman pala eh! Binibigay mo na sa akin tapos sasabihin mo mahal mo sya! Walang ganyanan" sabi ko..

Natawa lang sya.. "joke.. basta makikilala mo narin sya mamayang gabi" sabi nya sa akin..

Napatango tango nalang ako sa kanya..

"Im sorry talaga.." sabi nya..

"wala naman akong magagawa.. ikaw na ang fiancé nya.." sabi ko sa kanya..

"Hahaa.. ano ka ba! Madali nalang ang tumakas mamayang gabi.." sabi nya..

"So di ka pupunta?" Sabi ko..

"Nope.. pupunta parin ako.. pero sa iba na ako naka engage di na kay Steve.. iyo kaya yun" sabi nya sabay ngisi..

"Sira ulo!" Sigaw ko sa kanya..

"Abay! Kinikilig ang gaga!" Sabi nya..

Nagtawanan nalang kami saka ko na sya inaya pumasok sa loob..

"Im sorry"

"Ilang beses ka na ba nag so sorry? Okey nga lang.." sabi ko.. ang kulit kasi..

Maya maya natahimik sya kaya naman tumingin ako sa kanya.. nakangisi ang loka!

"Teka! Ayaw ko nyang mga ngising yan! Tigilan mo ako!" Sigaw ko sa kanya..

Natawa naman sya saka sya tumingin sa akin..

"You want a surprise later?!" Sabi nya..

Tumango nalang ako sa kanya..

Inakbayan nya naman ako..

"I have a plan"..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now