chapter V- christmas/new year

222 8 0
                                    

Mabilis na lumipas ang panahon at pasko na ngayon.. nalalapit narin ang new year..

Marami naring nangyare sa mabilis na two months..

Nakalaban na kami ni Steve sa Japan para sa swimming.. at nakatanggap lamang kami ng silver medal at silver trophy over all.. diba bongga? Kaso nga lang dalawa yung medal nya dahil sa meron syang bronze medal para sa pagkakasama nya sa top 3 sa butterfly men.. ako naman natalo ako sa backs stroke women.. samantalang nanalo naman kami parehas ng silver medal noong pareho kaming nag second place sa freestyle..

Talagang proud na proud sa amin sila mama at papa pati narin sila tita at tito para kay Steve syempre..

Wala na kaming nabalitaan pa kela Prince.. salamat naman at nanahimik narin yung lokong yun..

Hanggang ngayon parin talaga galit parin ako sa ginawa nya sa amin ni Steve..

Pero anong magagawa ko? Nangyare na ang mga nangyare.. wala ng mababago pa..

Natanggap ko narin naman lahat ng mga nangyare sa buhay ko kaya masaya na ako ngayon..

At sa dalawang bwan na yun naging magkaibigan kami ni Steve.. pareho kaming di muna pumasok sa isang relasyon..

Kahit sya natakot na baka magkahiwalay nanaman kami kaya naman di na muna kami pumasok sa ganoong level ng relationship..

At ngayon naging okey na ang lahat..

Ang hinihintay ko na lamang eh yung may mangyare ng next level sa aming dalawa ni Steve..

Bati narin kaming dalawa ni tita Silvia.. nag sorry na sya sa mga masasama at masasakit nyang sinabi sa akin.. dapat daw talaga di nya ako sinisisi sa nangyare dahil parehas lang naman kaming nasaktan ni Steve..

At talaga namang naging kalat sa buong universituly ang picture namin ni Steve under the rain noong nakaraang tatlong bwan na nakalipas..

Medyo nainis nga lang ako kay Angel dahil yung private part na dapat eh sana sa amin nalang.. pinagkalat nya pa sa iba..

Pero okey lang naman yun.. tumagal lang naman yun ng isang oras at naging okey narin kaming dalawa..

Ang tagal noh? Haha!

Ngayon naririto kami sa bahay at nag aayos na ng mga gamit para bukas at pasko na.. mag papasko kami sa bahay nila lola sa America..

Americana si lola samantalang Pilipino si lolo.. kaya wag na kayong magtaka kung maputi ang lahi namin noh!

Di makakasama sila Steve nang dahil sa kadahilanang uuwi naman sila ng Boracay para doon icelebrate ang pasko kasama ang mga pinsan nya..

Pero ang masaya nakapagkasunduan ng mga magulang namin na magsasama sama kaming mag se celebrate ng new year sa Baguio..

"Sweetie ayos ka na ba?" Tanong sa akin ni mama..

Nginitian ko lamang sya at tumango..

"ito na ang passport mo then yung plane ticket.."sabay abot nya sa akin nung plane ticket at yung passport ko..

Inabot ko naman yun saka ako muling bumalik na sa ginagawa kong pag iimpake..

"Ahh.. nga pala anak.. nasa baba si Steve at inaantay ka" biglang sumulpot naman kung saan si papa at may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi..

Napakunot naman ang noo ko.. "bakit raw po---" di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng magsalita si Steve na prenteng naka sandal sa pader papasok ng kwarto ko..

"Ahh.. sige anak narito na pala sya.. maiwan na muna namin kayo" sabi naman ni papa saka na sila umalis ni mama ng may mga mapanuksong mga ngiti sa kanilang mukha..

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now