#2 charity✓

811 33 0
                                    

Matapos ang araw ng pagbisita sa amin nila tito at ang pagsagot namin ng malaki at makakapal na mga text books ay lagi na kaming nag-uusap sa isa't isa.

Paagi na rin syang dumadalaw sa bahay at may kung ano nanaman daw kasing pinag-uusapan ang mga parents namin.

Nandito ako ngayon sa fountain ng F.A. 'yung fountain namin aakalain mong wishing well ng dahil sa marami itong coins doon.

Pinaniniwalaan kasi dito sa campus namin na kapag nag wish ka at pumasok doon sa pinaka maliit na butas ng fountain yung coin mo ay matutupad ang wish mo.

At dahil mga eng-eng ang mga estudyante dito araw araw nalang yata maraming naghahagis at nag wi-wish dito sa fountain na ito.

Pero ako? Di ako naniniwalang magkakatotoo yun. Kasi mas naniniwala ako sa destiny.

Destiny sa kung ano ang mangyayare sayo at sa kung ano ang kahahantungan mo sa buhay kapag naniwala ka doon.

Pero alam kong lahat ay may kaakibat na lungkot. Pero kelangan ay tanggapin mo ito. Sa halip ay gawing inspirasyon lahat ng mga nagawa mong pagkakamali para mas lalo mo pang galingan at pag pursigihan lahat ng iyon.

Tulad ko. Matapos kong maging childhood slash die hard fan slash die hard crush si Steve ngayon ay napapansin na nya ako. At mukhang nagkakasundo kami pagdating sa mga usaping related sa pag-aaral.

Minsan nagke-kwentuhan na kami lalo na kapag napapatagal ang pag-uusap nila mama at papa sa parents nya.

Minsan ko narin syang nakitang ngumiti at tumawa pero sandali lang iyon at sa tuwing gagawin nya iyon ay di ko mapigilang kunin ang cellphone ko at picturan sya.

Nung una naiinis sya kasi ayaw nya raw pini-picturan sya. Pero I've got that word 'pambabara' and 'pang-iinis' kaya naman kalaunan ay pinabayaan na lamang nya ako.

Minsan pa ay napuno na yung cellphone ko sa sobrang dami ng mga pictures nya doon kahit na mga nakaw lang yun.

Once pa kaming nagkasundo sa pagiging cold namin at sa pagiging seryoso namin pagdating sa school. Kaya nga one week after naging iba na ang pangalan namin sa campus na ito.

Cold King and Queen na kami. Hindi na Genius.

Pero okey na rin yun kasi ganoon naman na talaga kami simula ng um-enter kami sa high school life namin.

Siguro that time napansin kaagad nila ang pagiging genius namin at di nila napansin kaagad ang pagiging cold namin.

Minsan may mga bumabati sa akin ng mga 'good morning', 'hi', 'hello'

Pero isang tipid na ngiti lamang ang iginaganti ko sa kanila.

Member ako ng SSG. Ahm, let me correct it. Im the SSG's President. At si Steve naman ang Vice. Dati noong magsimula ang botohan di pa sya ganoon kasikat at mas nauna akong sumikat sa kanya kasi palagi na akong sumasali sa ibang mga extra curricular activity. Kaya ako ang nanalo.

And that time kauna-unahan kong nakita syang ngumiti sa akin and because of that damn smile. Nagustuhan ko sya. Deeply.

Maya maya ay may narinig na lamang akong may tumatawag sa akin.

"Pres, ipinapatawag ka sa principal's office. Meron daw sasabihin sa iyo si Principal. Pakisabi nalang rin kay Vice kasi di namin sya ma-contact kasi nga wala kaming number. Hahahha!" tawa ni Raiver.

"Tsk. okay." cold kong sabi.

Si Paola ang SSG's secretary.

Si Raiver ang SSG's escort.

Si Lovely anv SSG's muse.

"Halika na nga. Baka matabunan tayo ng snow dito sa sobrang lamig ng pagsasalita ni Pres sa atin" sarkastikong sabi ni Paola.

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now