last chapter 9: perfect night

296 8 0
                                    

Kylie's POV

Continuation..

Naupo kami habang pagod na pagod sa mga pinag gagagawa namin rito sa party..

Nagkakausap kaming apat.. nag kaka kwentuhan ng mga kung ano ano.. at nagkakasayahan habang tatawa tawang kumakain ng cake..

Nagsusubuan kami ni Steve ng cake pati narin sila Klarisse at Prince.. grabe di parin ako makapaniwalang sila rin ang magkakatuluyan sa huli!

Nangingiti na lamang akong tinitingnan si Steve..

Maya maya may pinapunta sila mama na photographer sa harapan namin..

"Sige.. tingin lang sa camera okey?" sabi ni manong.. kaya naman agad na inakbayan ako ni Steve samantalang nangiti na lamang ako sa camera..

Matapos nun ay kumuha pa sya ng ilan pang shots sa amin ng mapagkasunduan na naming umuwi ni Steve..

Pagod narin kasi ako..

Nagpaalam kami ni Steve kela Klarisse at Prince..

"Klarisse.. Prince.. alis na kami ni Steve.. inaantok na ako eh.. tingnan mo pasado 1 am na " sabi ko sa kanya sabay hikab..

"Ayy.. oo sige lang.. maya maya at uuwi narin kaming dalawa ni Prince.." sabi ni Klarisse saka ngumiti..

"Oh.. mag ingat kayo huh? Ikaw ba mag da drive pre?" Tanong ni Prince kay Steve..

"Ahh.. oo di naman kasi ako gaanong inaantok pa.." sabi nya..

Ngumiti lamang ang dalawa sa amin saka na kami bumaba ng stage at pinuntahan sila mama at papa kasama sila tito at tita..

"Oh.. naririto pala kayo.." sabi ni mama sa amin..

Humalik na muna ako sa pisngi nya.. ganoon din ang ginawa ni Steve saka kay tita rin..

"Ay.. opo ma.. magpapaalam na po sana kami at inaantok na kami.. kayo po ba uuwi na kayo?" Tanong ko sa kanila..

"Haha.. hindi pa anak.. sige nat umuwi na kayo.." sabi ni papa..

"Nga pala anak.. sa bahay natin ang diretso at doon daw matutulog sila Kylie.. napagkasunduan naming apat at lilipad tayo bukas ng maaga papuntang America.." sabi ni tita Silvia..

"Ano pong gagawin doon?" Tanong ko..

Natawa naman sila..

"Uunahin nyo na honeymoon nyo---- oo na nga! Ang sakit naman nun Nat!" Sigaw ni papa dahil sa sinapok sya sa ulo ni mama at masama syang tiningnam nito..

Namula naman ako sa sinabi ni papa..

"Wag kayong makikinig dyan sa tatay nyong may sapak sa ulo.." sabi ni mama

"At yunv tungkol doon sa America.. I mean kayo lang ang lilipad patungo doon.. ihahatid lang namin kayo sa airport bukas.. gusto kasi sana naming doon na kayo pag araling dalawa.. then bibisibisita nalang kami doon" sabi ni tito..

Napakunot naman ang noo namin ni Steve..

"Di po ba masyado pang matagal ang pasukan doon?" Sabi nya..

"Oh honey.. di naman kayo agad agad na papasok eh.. dahil sa marami kaming nagawang di maganda sa inyo.. time na namin ito para bumawi sa inyo.. kaya anak.. sorry talaga sa mga nagawa namin sa inyo.." sabi ni mama..

"Ay naku! Ma.. wala po yun.. at saka kami parin naman po ang ikakasal.. wala pong nangyareng di maganda.." sabi ko sa kanya at ngumiti..

"Oh.. sya sige.. magsi alis na kayo at susunod na lamang kaming apat.." sabi ni tita..

"Steve!sa bahay natin huh?" Pag papaalala pa muli ni tito kay Steve..

Tanging tango lamang ang tinugon roon ni Steve saka na kami sabay na umalis doon sa hotel..

Sumakay na kami sa kotse saka na sya nagsimulang mag drive..

----------------

"Steve! Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya ng bigla nyang iniba ng daan ang tinatahak namin..

Nangiti lang sya sa akin saka nya sinabing.. "matulog ka na nga muna at malayo layo pa tayo.." sabi nya..

Kaa naman sinunod ko na lamang ang sinabi nya at pumikit na ng bahagya..

Di ko namalayang nakatulog na pala ako..

Steve's POV..

"Hello mom" sabi ko sa kabilang linya..

(Steve! Nasaan kayong dalawa ni Kylie? Bakit di pa kayo umuuwi?) Alalang tanong sa akin ni mom..

"Oh.. well.. nandirito kami sa subic" sabi ko..

(What!? May flight pa kayo bukas! Bumalik na kayo rito!) Sigaw nya..

"Mom.. just this night.. I want to be with Kylie mom.. please?" Sabi ko sa kanya..

Narinig ko syang nagbuntong hininga..

(Okey.. basta maaga rin kayong uuwi..) then pinatay na nya ang tawag..

Inihinto ko ang sasakyan saka ko na pinagmasdan ang dagat.. at ang tahimik na kapaligiran ng Subic.. ang ganda talaga ng karagatan rito..

Kinuha ko ang dala dala kong wine saka syempre baso narin..

naisip ko lang kasi.. kahit na sa huling pag kakataon ngayong araw na ito.. babalikan ko ang mga lugar kung saan naging masaya kami ni Kylie..

Ito rin yung lugar kung saan nagkahiwalay kami ni Angel.. ito rin yung lugar kung saan nagkahiwalay kami Kylie..

Ininom ko ang wine habang pinagmamasdan ang dagat..

Lumabas ako saka ako sumandal sa kotse ko..

Bukas na nga pala aalis na kami.. siguro lukubos lubusin ko na muna ito..

Kumuha ako muli ng wine saka iyong inikot ikot sa aking baso at inamoy..

"Di ka man lang nag yayaya" biglang sabi ni Kylie na syang naging dahilan ng pagkagulat ko..

"Kylie naman!" Sigaw ko sa kanya.. natawa lang sya habang may hawak hawak na baso ng wine sa kanyang kamay at kumuha na ng wine..

Sumampa sya sa sasakyan ko saka pinagmasdan na ang karagatan..

Bagamag 4 am palang ng umaga.. medyo nag liliwanag narin rito sa karagatan.. malamig narin ang simoy nh hangin..

"Steve.. tabi ka naman sa akin oh.." sabi nk Kylie.. tiningnan ko na muna sya saka ako sumampa sa kotse at tinabihan sya..

Pagkaakyat na pagkaakyat ko palang ay doon na agad ako niyakap ng napaka higpit ni Kylie..

"Lagi mong tatandaan.. mahal na mahal kita.." sambit na sa akin..

Niyakap ko narin sya pabalik..

"Wag kang mag alala.. lagi kong tatandaan yan.. mahal na mahal rin kita" sagot ko sa kanya..

"At ngayong.. pareho na tayong malaya kela Prince at Klarisse.. pwede na nating i continue ang dating pangarap lang natin.." sabi nya..

Tumango lang ako sa kanya.. "pangako.. ikakasal tayo rito sa Subic.. tulad ng ipinangako ko sa iyo kahit pa noong mga panahong mahal na mahal na natin ang isat isa.."

Agad na binaon nya ang kanyang mga mukha sa aking dibdib.

"Thank you.." sabi nya nalang saka sya kumalas sa pagkakayakap namin saka sya tumingin sa mga mata ko..

Parang nawala ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang pagsiil nya ng kanyang halik sa aking mga labi..

Hinalikan ko sya pabalik..

Halos nalalasahan ko ang bawat pagluha nya..

Napangiti ako ng malasahan ito..

'Masaya akong malaman kung ano ang batid nyang sabi sa akin.. alam kong sobrang saya nya ngayon na ang maging lumuha na lamang ang tanging nagawa nya.. para lang ipadama sa akin kung gaano ko sya napasaya'

*********

Epilogue next chapter na!

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now