#16 confession

422 26 1
                                    

Steve's POV

Tsk.. kasalanan ko lahat ng ito eh..

Bakit ba kasi nagalit ako? Bakit ba kasi nasampal ko sya? Bakit pa ba kasi kami nag away?

Eh kasi naman eh! Nakaka inis! Bakit ba kasi nilagnat tong babae na ito ngayon? Bakit ba kasi hinimatay pa sya?

Ang daming pumapasok sa utak ko ngayon.. pero isa lang ang pinag ugatan nito..

Ang pag aaway namin tungkol kay Angel.. pero mahal ko si Angel.. mahal na mahal ko sya.. at di na yun magbabago..

Ngayon buhat buhat ko si Kylie.. sinundan ko sya kanina habang naglalakad pauwi..

At mabuti sinundan ko sya kasj kung hindi baka kung napano na ito.. ewan ko ba kasi dito kung bakit nagpabasa sa ulan.. tsk.. ang init na nga ngayon eh..

At pati ako nag pa ulan na kasi iniwan ko na yung payong doon tapos binuhat ko na sya..

Nagdoorbell ako sa bahay nila.. agad na bumungad sa akin si tito na parang nakakita ng multo sa shock..

"Tito.. let us in!" Sigaw ko kasi malakas na yung ulan baka di nya marinig..

Agad syang lumabas at binuksan ang gate..

"Anong nangyare?" Taranta nyang sabi..

"Mamaya ko na ikwekwento tito.. aakyat na po muna ako sa taas.." sambit ko.. "tito! Si tita nga po pala! Papalit po ng damit nya! Basang basa eh"

Tumango lang si tito at pinuntahan si tita na nasa kusina..

Ako umakyat na ako..

Maya maya pumunta na sa taas si tita.. doon ko na muna inihiga si Kylie sa sofa nya doon.. nanginginig na talaga sya sa sobrang taas ng lagnat nya..

"Tita.. tawagin nyo na lang po ako kapag tapos na ah" sabi ko.. tumango lang si tita saka ako lumabas ng kwarto..

Agad akong nagluto ng chicken soup tapos lumabas ako para bumili ng gamot..

Pagbalik ko inabutan ako ni tito ng damit.. sa pagkakaalam ko damit nya yan.. regalo kasi ni dad yan sa kanya nung umuwi sila galing US..

"Thank you po" sabi ko saka ko kinuha yung damit at shorts tapos towel na rin..

Pumunta muna ako sa cr tapos nagpalit ng damit.. di na ako naligo.. mamaya nalang pagdating sa bahay..

Paglabas ko saktong bumababa na si tita galing taas..

"Iho.. ano bang nangyare?" Tanong ni tita.

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang magkwento..

"Nagkagalit po kasi kami at nag away sa kalagitnaan ng practice namin.. mahal ko po kasi si Angel at nagagalit po ako kapag kinuquestion sya sa akin.. ang hindi ko lang matanggap bakit sa dinami rami ng tao sa mundo bakit si Kylie pa na bestfriend ko ang nagsabi nun sa akin.. di ko lang po matanggap kaya po sya nagpabasa at nagpababad sa ulan.. kasalanan ko po lahat" sabi ko at yumuko sa kanila..

Nahihiya na ako sa kanila ngayon nang dahil sa ginawa ko sa anak nila..

"Naiintindihan ka namin iho.. pero try to think of that.. baka nag aalala lang sya kapag nasaktan ka.. ayoko lang na kapag nagdesisyon na ang anak ko baka pagsisihan nya hanggang huli.. kilala ko sya.. at hindi yun basta basta" sabi ni tito sa akin at hinawakan pa ang balikat ko..

"Intindihin mo na lang muna sya Steve.. matapos lahat ng ito.. pag usapan nyo lahat.. ayusin nyo na rin.. at wag nyong patagalin" sabi naman ni tita.. ngumiti lang ako sa kanilang dalawa..

Matapos nun ay dinala ko na yung soup na niluto ko.. di naman sya ganoon kahirap lutuin..

Nang makarating ako roon ay agad ko syang pinunasan ng bimpo na basa.. ang sabi pa ni tita wag ko na raw sya bimpohin masyado kasi na bimpo nya na yun kanina..

Ngayon binimpo ko lang yung noo nya..

Matapos nun ay ginising ko na sya unti unti..

"Ky.. wake up.. kelangan mo uminom ng gamot" sabi ko habang ginigising sya..

Nakita ko naman na bumukas ng konti yung mata nya..

Pagkita nya sa akin agad syang napa upo tapos tinuro nya ako.. napakunot naman ang noo ko..

"Ikaw! Anong ginagawa mo dito!?" Sigaw nya..

"Ano pa ba? Edi inuwi ka at inaalagaan ka ngayon? Kaya bumalik ka na rito at kumain ka na iinom ka pa ng gamot" sabi ko..

Umiwas naman sya ng tingin sa akin..

"Kaya ko na.. makakaalis ka na ngayon.." sabi nya sa akin..

Hinila ko naman ang kamay nya..

"Best.. kung yung tungkol kanina pabayaan mo na sa akin to.. parte naman ng pag ibig ang masaktan diba?" Sabi ko..

"Pwes ayokong masaktan ka kaya nilalayo kita sa kanya.. alam mo bang masakit masaktan?" Sabi nya sa akin at inalis yung kamay ko sa kanya..

"Bakit naranasan mo na ba?" Tanong ko..

"Malapit na! Kaya ngayon palang nilalayo na kita kasi ayokong masaktan ka sa kanya at kapag nasaktan ka.. masasaktan rin ako!" Sigaw ko sa kanya..

"Bakit huh?! Bakit?!" Nagsisigawan na naman kami rito.. bakit ba parang ang bilis naming magalit ngayon?

Umiwas sya ng tingin sa akin at pilit na tumayo..

"So ngayon aalisan mo ako? Anong klase ka!? Bakit ayaw mo akong sagutin!?" Sigaw ko sa kanya.. di ko kasi sya maintindihan..

"Gusto malaman!?" Sigaw nya rin sa akin habang nakatayo tapos hawak hawak yung tyan nya..

"Oo! Kasi di na kita maintindihan! Palagi mo nalang ako nilalayo sa kanya! Akala mo ba di ko napapansin?!" Galit konh sabi..

"Kasi mahal kita! Mahal na mahal! Kaya ayokong masaktan ka ng dahil sa kanya! Kasi ayokong nahihirapan ka! Ayokong nakikita kang nasasaktan! Ano ngayon!? Alam mo na! Masaya ka na ba?! Ganito ako naghihira sa tuwing nagmamahalan kayo sa harapan ko!?"

Napatulala ako sa kanya.. umiiyak na sya sa harapan ko.. at ayoko rin nun.. bestfriend ko sya.. at mahalaga sya sa akin..

"Alam mo bang ang MANHID mong tao! Napaka manhid mo! Di mo man lang ako naramdaman na nahuhulog na ako sayo! Di mo man lang ako sinalo!"

masasaktan lang sya sa akin.. bakit ba kasi sa akin pa sya nahulog?

Umiwas sya ng tingin sa akin..

"Isipin mo nalang na wala kang narinig o nakita.. hindi tayo nag away.. di tayo nagsigawan.. sana wala paring magbabago.. sana wala lang toh.. kalimutan mo nalang" sabi nya saka sya pumunta sa cr..

Ako naman naiwang nakatulala rito.. wala akong masabi..

Manhid ba talaga ako?

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now