#12 the call/ message

390 26 0
                                    

Ito na ang last day namin sa bahay ampunan.. at ito ang pang 4th day namin dito sa Bohol..

At talaga namang nakakatuwa ang mga ginawa ng bata.. para sa amin..

Kinantahan nila kami at sinayawan.. ako? Nakaupo lang ako habang tuwang tuwa sa panonood sa kanila.. samantalang si Steve naman pinipicturan sila gamit ang dslr..

Ang saya namin dito.. naka contact lense kami ngayon kasi baka masira yung mga eye glasses namin kapag ginamit namin ngayon kasi baka makipag laro nanaman kami sa mga bata..

Maya maya nagyayayang mag meryenda sila tita at tito..

Kaya naman nagsipasukan na sa loob ang mga bata samantalang kami ni Steve nandito sa labas kasama yung magkasintahan..

"So kumusta na ang relasyon nyong dalawa?" Tanong ko..

"Hmm.. mag ti three years na kami ni Raul" sabi ni Jess sa akin..

Medyo naging close ko rin sila sa mga nakaraang araw na ito.. kapag kasi kumakain na ang mga bata sa loob sila ang kakwentuhan namim dito sa labas..

"Uhm kayo? Ilang taon na kayong magkakilala?" Sabi ni Raul sa amin..

Nagkatinginan kami ni Steve.

"Actually magkakilala na kami for 16 years kasi sabay kaming pinanganak at magkababata kami.. pero naging ganito lang kami kaclose 4 days from now palang" sabi ko..

Nanlaki naman ang mga mata nila..

"So di kayo naging magkaibigan nung mga bata pa kayo?" Takang tanong sa akin ni Jess..

Tumango ako.. "yup.. palagi lang kasi kaming aral ng aral.. katunayan nga.. wala kaming childhood memories.." sabi ko..

"Kaya ganoon nalang kami sa mga bata makipaglaro ngayon" pagpapatuloy ni Steve.. medyo close na rin kasi nya sila Jess..

"Ahhh" sabay nilang sambit ni Raul..

Nagkwentuhan pa kami ng ilang oras saka kami nagpaalam na sa kanila..

Mag gagabi na rin kasi eh at napagpasyahan na naming wag ng magpagabi pa ng masyado sa daan..

Umuwi na kami saka kami nagpahinga sa sofa ni Steve.. ang saya pero nakakapagod rin pala..

Maya maya tumunog yung cellphone ko..

Tumingin ako kay Steve saka ko sinagot yung call..

Di na ako lumayo pa.. si Paola lang naman yung tumawag eh..

"Hey Pao musta?" Sabi ko..

(*sniff* *sniff*) teka..

"Teka.. umiiyak ka ba?" Sabi ko..

(Kylie.. ayoko na dito sa bahay.. nasampal ako ni mommy at galit na galit sya sa akin ngayon.. di ko alam kung saan ako pupunta..) sabi nya..

Napabangon ako mula sa pagkakasandal ko sa sofa..

"Teka.. nasaan ka ba ngayon?" Tanong ko..

(Nasa bar ako.. kasama ko si Josh) sabi nya..

Napakunot naman ang noo ko..

"Sino yang Josh na yan?" Sabi ko..

(Ahh.. a friend of mine.. pero saan ako matutulog nyan ngayon.. ayokong umuwi sa bahay na ganitong lasing ako) sabi nya..

Nanlaki ang mga mata ko..

"LASING KA!" Sigaw ko..

(Ano ba!? Quiet ka nga!) Sabi nya.. sa tono ng boses nya lasing na nga sya..

"Teka.. lasing ka tapos may kasama kang lalaki? Ano toh Paola nag rerebelde ka na ba? Paano kung may mangyare sa inyo!" Sigaw ko..

(Ha? Wala! Sus.. asa ka pang meron.. good girl ako) sabi nya..

Magsasalita pa sana ako ng ibaba nya na yung phone nya..

Tinawagan ko pa sya ng ilang beses pero di na nya sinasagot ring lang ng ring.. napatayo tuloy ako at tinawagan si papa..

"Pa!" Sabi ko..

(Oh.. anak.. musta bakasyon?)

"Pa hindi ito bakasyon.. pa gusto ko ng umuwi dyan.. please ngayon lang" sabi ko..

(Bakit naman?)

"Pa si Paola kasi eh"

(Oh what about Paola?)

"Kasi pa lasing sya at may problema ngayon tapos may kasama pang lalaki.. alam mo naman na baka may mangyare lang.."

(Look Kylie.. wag mo na munang problemahin si Paola.. kaya nya ang sarili nya.. besides... hahanapin namin sya.. enjoy ka nalang dyan baby.. o sya sige mag ingat kayo dyan)

"Pa--" pinatay na nya yung tawag..

Nagpapapadyak ako ngayon.. wala akong magawa! Lagot talaga yan sa aking babae yan kapag naka uwi ako ng Manila..

"Munt*ng* ka dyan.. padyak ka ng padyak" sabi nya..

Napatingin naman ako ng masama sa kanya..

"Halika inom tayo" yaya ko.. sama ko ba? Minsan lang naman eh..

Natuto akong uminom nung napagalitan ako ni mama nung nasampal nya ako ng dahil kay Angel.. pero dati pa yun nung huli akong maka inom ng alak..

Naningkit naman ang mga mata nya..

"Umiinom ka?" Sabi nya..

Imbes na sagutin ko sya pumunta ako sa ref saka ko kinuha yung dalawang bote ng redhorse doon..

Pinakita ko sa kanya.. "minsan lang naman eh.. ganito ako kapag may problema" sabi ko.. saka ko binigay sa kanya yung bote tapos umakyat ako sa taas.. doon ako sa terrace pumunta tapos umupo ako doon saka ako uminom..

Ang paittt!!!

Kawawa naman si Paola.. sayang at wala ako sa tabi nya ngayon..

Naaalala ko kasi noong nag away kami ni mama sa kanya ako tumakbo.. pero ngayon? Wala akong kwentang kaibigan..

Uminom ako muli..

May naramdaman akong tumabi sa akin.. wala na yung bote na binigay ko sa kanya..

"Teka.. ashan na yung bote na binigay ko shayo?" Sorry.. lasing na ako eh.. di naman kasi ako sanay uminom..

"Tama na yan at matulog ka na.. papasyal tayo bukas" sabi nya at nilalayo sa akin ang bote..

"Wag kang ganyan besht! Hehe.. umiinom pa ako eh.. lasht na!" Sabi ko saka ko muling tinungga yung bote..

matapos nun ay napahawak na ako sa ulo ko kasi ang sakit na saka ako nakatulog kung saan.

Steve's POV

Grabe itong babaeng toh! Akalain mong umiinom pala ito?..

Ganito na ba talaga sya pagdating sa mga problema? Nandito lang naman ako huh?

"Walang kwentang kaibigan ako.. tsk" sabi nya.. wala na siguro ito sa katinuan..

Tinungga nya yung bote hanggang sa maubos na yun ng tuluyan saka sya bumagsak sa akin..

Plakda sya tss..

Ganito ba talaga sya sa mga kaibigan nya? Bakit nya sinisisi ang sarili nya?

Binuhat ko na sya ng pang bridal style tapos nilagay ko na sya sa kwarto nya..

Inihiga ko na sya doon saka ko sya kinumutan..

Aalis na sana ako ng tumunog ang cellphone nya..

Di naman sa nangengealam ako pero mukhang importante ito..

Message lang naman..

From: Pao

Ky.. sorry kung pinag alala kita.. alam ko na yang iniisip mo ngayon.. wag kang oa okey lang ako.. nga pala nandito ako kela Josh natulog.. wag kang mag alala di nya ako gagawan ng masama takot nya lang sa akin.. hahahah.. ipapakilala ko rin sya sayo pagdating nyo dito galing Bohol.. di sya ganoong klase ng lalaki.. iba sya promise.. hahahah!

Geh kita nalang tayo!

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now