chapter P- the real her

173 8 1
                                    

Papasok na ako ngayon sa school at talaga namang lahat ng atensiyon ay nakatingin sa akin..

Di ko lamang sila pinansin saka ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang classroom namin..

Pero bago ako makapasok roon ay hinila na ako ni Angel palabas at hinila ako papunta sa garden..

Ano bang problema nya?

Angel's POV

Sa mahigit 80 chapters na ito.. ngayon pa lamang ako nakatikim na makapag Point Of View rito sa storyang Steve at Kylie..

At ngayon.. alam kong dapat ay mangi elam na ako sa story nila dahil baka magtapos itong walang happy ending sa huli..

At ngayon.. ang number one topic lang naman ay ang pagpapagupit ng buhok ni Kylie..

At talagang kinulayan nya pa ito ng kulay red..

Ayos lang naman magpakulay ng buhok sa F.A. but ang di maintindihan ng lahat is..

Masyadong anghel na ang pagkakakilala ng lahat kay Kylie.. pero bakit isang araw.. nagkaganito ang isang anghel at nagbago.. para na syang di anghel sa ipinapakita nya..

May mali talaga sa ikinilos nya..

Hinila ko sya papuntang garden hanggang sa nagkatapat kami..

"Kylie.." pagtawag ko sa kanya..

"What?" Cold nyang sabi sa akin habang hawak hawak nya ang kanyang braso..

"Ano bang nangyayare sayo? Di ka naman ganyan dati huh?" Tanong ko sa kanya..

Marahas syang tumawa na parang baliw sa harapan ko..

Hindi sya yung Kylie'ng kilala ko dati.. ibang iba na sya..

"Ano bang pinag iba ko? Cold naman ako dati? Nag iba lang ako ng buhok ano ba?" Sabi nya at ngumisi sa harapan ko..

Napabuntong hininga na lamang ako..

"Alam ko na ang nangyare.." sabi ko..

Oo alam ko na ang nangyare.. ikinuwento sa akin ni Steve.. wala sya sa katinuan nyang yun dahil sa naka inom sya na bigay ni Zhazha sa kanya.. di nya alam at ang tanging nakikita nya lamang ng mga sandaling iyon ay si Kylie..

Ang hindi nya alam si Zhazha pala ang nakikipag halikan sa kanya nung mga oras na iyon.. na syang nakita ni Kylie..

Kinabahan ako dahil sa kinutuban na ako na mangyayare talaga ang ganitong eksena..

Lalabas ang totoong sya..

Yung totoong Kylie na..

'Bully dati'

Flashback*

"Hahahahaha hahahahah" tawa ng tawa habang tinuturo ng batang babae ang batang lalaki na nakasalampak sa sahig habang umiiyak..

"Kylie ano bang nangyayare rito?" Tanong ko sa kanya.. bubulol bulol akong nagsalita at tumingin sa kanya ng masama..

Kasabay niyon ay ang paglapit at pag tulong ko sa batang lalaki kung saan ay umiiyak parin..

"Alam mo bad ka!" Sigaw nya kay batang Kylie..

Naka recover naman na ito sa pag tawa nya at ngumiti na lamang sa kanya..

"Kasalanan nya iyan.. di sya marunong mag ingat noh!" Bulol nyang sagot sakin..

Pumeywang naman ako sa kanya.. "at sa tingin mo masaya nang magpahiya ng tao? Ano bang nangyayare sayo Kylie! Di ka ganyan dati noong naglalaro tayo sa play ground ah!" Inis nyang sabi at nag crossed arms pa sa harapan nito..

Napasimangot naman ang si Kylie "akala ko ba kaibigan kita? Bakit ka nagagalit sa akin?! galit na nga sa akin si mommy galit ka pa sa akin! Eh di magsama sama kayong lahat!" Matapos niyon ay tumakbo na ito paalis..

Naiwan akong nakatulala sa mga nangyare..

First time nya akong sigawan ng ganoon..

"Ayos ka lang?" Biglang tanong sa akin nitong batang lalaking tinulungan ko..

"Ah.. oo" sabi ko..

Ngumiti sya at nakita ko pa ang bungi nyang ngipin kaya naman natawa ako sya naman namula.. ang cute nya..

"Ahm.. salamant nga pala kanina" sabi nya sa akin..

"Wala yun noh.. ako nga pala si Angel.."at nilahad ko ang kamay ko sa kanya..

Tinanggap nya naman yun saka kami nag sake hands..

"My name is Jasper"

Flashback ends*

Nangyare na ito dati..

Noong nag away silang magnanay.. nag iba si Kylie..

Isa na syang bully noong elementary kami.. kaya nga nadumihan ang record nya noonh grade 5 kami at noong nag kaayos naman sila ay bumawi na sya noong grade 6 kaya naman sya parin ang valedictorian ng year namin..

Nag aalala lang ako dahil sa baka madumihan ang record nya sa F.A. at baka dahil doon.. baka di na sya makapag valedictorian pa rito.. or worst.. makick out pa sya sa school na ito..

"Kylie.. wag.." sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya..

Naramdaman ko pang wala na ang wedding ring roon.. kaya mas lalo lang akong kinabahan..

Pagsisisihan nya lang kapag may nagawa nanaman sya..

Tinanggal nya naman iyon saka sya tumingin nang seryoso sa akin..

Nag smirk sya saka sya nagsalita..

"Hayaan mo.. di ko na uli gagawin yang nasa isip mo.. hindi naman ako gagawa ng ikaka bad record ko rito sa F.A." sabi nya saka sya yumakap sa akin..

Niyakap ko rin sya saka sya bumulong sa akin..

"Mahirap lang kasi makita na nang mga demonyo na masyado akong weak.. kaya naman naging ganito ako.. para man lang makita nilang habang pinapaiyak nila ako.. mas lalo akong tumatapang.. mas lalo akong lalaban.."

Napahinga na lamang ako ng maluwag.. kumalas sya sa pagkakayakap namin..

"Basta Kylie ah.. inaalala lang naman kita" sabi ko..

Ngumiti sya sa akin ng nakakaloko..

"Sira ulo ka talaga.. di ko na yun gagawin.. wag kang mag alala.." sabi nya..

Hay salamat naman..

"So ayos na kayo ni Steve?" Tanong ko..

Napangiti naman sya ng tipid at higit sa lahat peke..

"Siguro.. di na muna ako makikipag usap sa kanya.. o kahit man makikipag ayos.. ayoko na munang may gawin pa ang mga demonyong yun para pag hiwalayin kami.. natatakot na kasi akong masaktan Angel.." sabi nya saka sya naupo sa bench..

Mukhang ayaw nya pang pumasok ngayon.. kanina pa kasi nag bell..

Umupo nalang rin ako sa tabi nya saka ko sya tiningnan na para bang nag aantay ako ng sasabihin nya..

At sa muli nyang pagsasalita.. para bang mas lalo akong nalungkot sa isang desisyong kanyang binuo..

Pero wala akong magagawa kundi ang umoo..

"Angel.. pwede ba akong pumunta ng America?"

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now