#51 will you be my prom date?

268 12 0
                                    

Wahhhh!!! This is it!!!!

JS Prom na!

Nandito ako ngayon sa bahay at inaayusan ako ng make up artist ko ngayon..

Minemake upan nya ako samantalang si Mama naman nandoon at inaayos nya yung buhok ko..

Sya talaga ang the best kapag buhok ko na ang usapan..

"Anak you are so beautiful young lady.." sabi ni mama ng nakangiti sa akin at nakaharap sa salamin ngayon.. ngumiti lang ako sa kanya..

Naaalala ko dati ako pa mismo ang ayaw pumunta sa JS dati.. tapos ngayon? Hay.. excited pa ako sa mas excited ngayon..

Musta na kaya yung date ko ngayon?

Haha.. im refering to Steve kasi talagang gumawa pa talaga sya ng ingay kahapon sa buong F.A. nang dahil sa pagtatanong nya lang sa akin ng 'will you be my prom date?'

Haha.. kilig naman daw ako..

Hanggang ngayon talaga kinikilig parin ako sa nangyare kahapon..

Flashback*

Nandito ako ngayon sa room.. may pinapagawa kasi sa akin si Mam Pretta tungkol doon sa mga kekelanganin para sa JS bukas.. di ko na nga alam kung makakapamili pa ba ako ng damit para mamaya.. -___-

"Oh.. tapos ka na ba dyan?"

Ay mam di pa ma.. di pa.. tsk..

"Ahm.. malapit na po mam.. isa nalang na heart" sabi ko nalang..

Matapos kong gupitin yung panghuling heart tapos na ako..

Binigay ko na sa kanya yung mga heart na ginupit gupit ko para bukas..

"Thank you.. you may go now"

Hay salamat okey narin.. anong oras na kaya.. 4:00 pm na.. hay..

Naglakad na ako sa hallway nang makarinig ako ng mga nakakabinging sigawan sa gym..

Ano naman kaya yun?

At dahil inaatake ako ng curiousity ko pumunta ako ng gym..

Pagbukas ko palang ng pinto sinalubong na kaagad ako ng confetti na may halong petals ng pink and blue rose.. favorite ko kasi yung mga yun..

Manghang mangha ako na nakatingala sa mga nagbabagsakang mga confetti sa akin ng may biglang nagtakip ng mga mata ko.. nilagyan ako ng piring saka pinosasan ako sa kamay..

"Anong gi---" di ko na natapos anh sasabihin ko ng takpan rin nila yung bibig ko..

Binuhat nila ako nung parang pang kidnap style? Yung tyan mo nasa balikat nya tapos yung ulo ko nasa likod? Gets nyo?

Habang naglalakad sya palakas ng palakas ang hiyawan na naririnig ko..

Ano yun? Baka nga kinikidnap na ako rito tuwang tuwa pa sila? At saka sino ba itong nagbubuhat sa akin?

Maya maya naramdaman ko nalang na inupo na nya ako sa isang upuan..

Hala.. nasaan na ba ako? Bakit parang tumahimik?

Matapos nun may tumugtog na..

Teka.. grupo ko ba yun?

Ay hindi.. baka naman grupo nila Steve?

Hindi eh.. parang both?

Tapos biglang may narinig nalang akong boses..

Boses na kung saan gustong gusto kong marinig ngayon.. gusto ko syang makita!

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now