#8 couple eye glasses✓

463 27 1
                                    

Kylie's POV

Nakakakilig talaga yung nangyare kanina.

Magmula noong kumain kami hanggang sa umupo kami sa seesaw at pinag-usapan ang mga pwedeng ganapin sa concert. Mga plano ba?

At ngayon? Parang gusto ko ng i-move yung date ng concert!

Naghanda na ako ng aking sarili kasi maya maya nalang ay makakapunta na kami sa Bright Child's Keeper! And I am so excited!!

Naligo na ako muli saka ako nagsuot ng bistidang abot hanggang tuhod ko. Floral dress sya na kulay Black na may halong pink belt. Ipinag partner ko sila ng aking flat sandals na kulay black. Ilang ayos pa and I'm done!

Humarap ako sa salamin at inayos naman ang buhok ko.

Itinirintas ko lang sya saka ako nagsuot ng headband na kulay pink na may ribbon.

Bago ako umalis sandali ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin.

Ang simple ko ngayon pero may dating parin. Syempre! Maganda kaya ako!

Isinabit ko na ang sling bag ko sa balikat ko saka ko isinabit sa leeg ko ang DSLR para sa mga information at para mag picture na rin kapag naglibot-libot kami mamaya.

Lumabas na ako ng kwarto saka ako dumiretso pababa.

Pagbaba ko nakita kong naka upo na sa sofa si Steve. Mukhang hinihintay nya nalang ako.

Lumapit na ako sa kanya.

"Done! Let's go?" Sabi ko.

Tumayo naman sya at ngumiti. "let's go." sabi nya saka nya kinuha ang kamay ko.

Nagulat ako sa ginawa nya. Bukod pa doon may naramdaman akong kung anong kuryente na dumaloy sa kamay namin kaya naman nahila ko pabalik ang kamay ko.

Natigil naman sya at parang nagtaka.

"Ahm, bakit mo hinawakan ang kamay ko?" Di ko maiwasang tanong sa kanya.

Hinarap nya ako. "bakit masama ba? Wag kang mag alala. Friendly holding hands lang naman yun" sabi nya.

Tsk.. sana di lang yun 'friendly'

Ngumiti nalang ako sa kanya saka ko kinuha ang kamay nya at ini holding hands ko yun sa kanya. Sya naman tong mukhang nagulat. Ginusto mo yan eh. Nagkibit balikat nalang ako saka ko sya hinila palabas.

Sinabi namin kay manong driver na kami nalang ang magmamaneho pero nagpumilit sya kasi wala pa raw kaming lisensya at bago palang kami sa Bohol kaya naman sa huli pinag-drive nya parin kami.

Pagdating namin doon ay sinalubong kaagad kami ng isang babae na nasa 30 pataas na ang edad. May kasama syang babae na parang ka-edaran lang namin at ng kasama nitong lalaki na parang ka-edaran lang rin namin tapos may kasama pa syang lalaki pa na nasa 30 pataas na rin ang edad.

Bumaba na kami..

Take note! Magkahawak parin kami ng kamay. AHH! >~<

Nagpaalam na kami kay manong at tatawag na lang ako kapag tapos na kami.

Lumapit kami sa kanila.

"Hello po." bati ko sa kanila.

Tiningnan ko tong kasama ko.

Cold?

Piniga ko nga yung kamay nya na nakahawak sa kamay ko. Napatingin tuloy sya sa akin.

"What?" Aba? Nilamig na naman ako :3

"Anong 'what' ka dyan? Wala tayo sa Manila para maging cold. So please don't be too cold at them. Okay?" Sabi ko.

Napabuntong hininga na muna sya bago ngumiti.

Fall Inlove With My Manhid BestfriendWhere stories live. Discover now